Thursday, February 13, 2014

Kahapong Nagdaan

May mga kaganapan sa nakaraan mo na gusto mo ng kalimutan, pero kahit anong limut ang gawin mo... sadya talagang bumabalik sila. Ewan ko kung ano bang ibig sabihin ng biglaang paglitaw ng mga alaala sa aking balintataw na ayaw ko naman na maalala pa.

Kung hatid nito ay pasakit lang na kagaya ng nakaraan, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dapat bang harapin ko ito ng buong tapang ngayon dahil dati, ito'y aking tinakbuhan?


Nakakainis! Di ko mawari kung dapat ko bang labanan ngayon ang giyerang dating tinakbuhan at iniyakan ko lang? SANA! Dahil ayoko ng madaanan ang mga pinagdaanang sakit noon.

Panginoon, patnubayan Niyo po ako. :(

3 comments:

Chubskulit Rose said...

Parang ang sakit sakit nga pinagdadaanan mo ngayon ah. Manalangin lang lagi, kayang kaya mo yan.

nova hedges said...

Minsan talaga ang mga nakaraan ay napakahirap limutan, but when time comes it will just easy.

Maria Teresa Figuerres said...

Cast your fears upon the Lord, and He will guide you to the right path. Kaya mo yan, sis!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...