Wednesday, September 20, 2017

Hinga-hinga din!

Ang tagal ko nang nagtatrabaho pero ngayon ko lang naisip na kailangan ko ding huminga, na kailangan ko ding i-enjoy ang buhay ko habang kaya ko pa gumagala.

It’s also a good opportunity to get new ideas, to see new places, meet new people – kahit tatlong araw lang. Tatlong araw lang na pahinga. Tatlong araw na pagliliwaliw at paglibang sa sarili. Tatlong araw na pag limot sa problema.

Sa loob ng tatlong araw na ito, gusto kong kumain ng masarap na pagkain. Gusto kong pumunta sa mga lugar na hindi ako pamilyar (pero safe, syempre). Pero gusto ko din magmukmok sa loob ng hotel room. Ang gulo ko, diba?

Pero sa totoo lang, gusto ko lang lumayo kahit sandali.
Next week na pala ang gala ko. Balitaan ko kayo soon.

Monday, August 14, 2017

Ayaw mo na ba?

Mahal ko, bakit nararamdaman kong lumalayo na ang loob mo sa akin? Ayaw mo na ba? Pagod ka na ba? Nagsasawa ka na ba?

Sabihin mo naman. Pagod na akong magpakatanga. Mahal mo pa ako o hindi na. Yun lang yun.
Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako at masaya ka pa rin sa akin, iba ang ipinaparamdam mo sa akin.



Namimiss ko na ang dating ikaw. Ang dating tayo. Saan na ba napunta yun? Please lang, kung ayaw mo na talaga. Sabihin mo lang, huwag mo na akong paasahin pa. Pagod na kasi ako na ako na lang palagi umiintindi, ako na lang palagi nage-effort para lang magkausap tayo.

Mahal kita. Walang duda yun! Kaya kung sabihin mo mang ayaw mo na, matatanggap ko yun. Kasi nga mahal kita at kahit masakit, papalayain kita.

Sunday, July 2, 2017

SOBRA NA BA?

Nahihirapan na ako. Di ko naman kasi inasahan na ganito kahirap eh. Pero kahit sobrang hirap at sakit na, hindi ko kayang bumitaw. Ngayon pa ba? Magtatatlong taon na kami.

Photo not mine. Grabbed from www.ef.com
Pero ang hirap pala pag pakiramdam mong ikaw na lang ang lumalaban para sa relasyon niyo. Yung pakiramdam na unti-unti na siyang lumalayo. Hindi man niya sabihin, pero nararamdaman mo... sa bawat sagot niya, sa bawat sinasabi niya, sa bawat ginagaw niya.

Tuesday, May 2, 2017

HINDI PA HULI ANG LAHAT

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na simula noong ako'y labing-anim na taong gulang pa lamang ay nagtatrabaho na ako para suportahan ang aking mga magulang at anim na nakababatang kapatid. Ako din ay medyo natuwa dahil kumikita na ako ng medyo malaki-laki kumpara sa mga ka-edad ko at ako'y nakakatulong na rin sa aking pamilya. At 16 years old, I was already working as an online freelancer. Sumusulat ako ng mga article, gumagawa ng mga websites, naging virtual assistant, at social media marketer.

Tuwing nagkakapera ako, lagi kaming lumalabas ng pamilya ko noon para kumain at bili nang bili ng mga bagay na kung tutuusin ay hindi naman kailangan. Medyo lumaki din ulo ko noong time na yun. Di ko na naisip ano kahihinatnan bukas kapag wala na ang pera.

Bigay din ako ng bigay sa mga relatives ko kapag lumalapit sila sa akin, dahil alam nga nila na medyo nakakaluwag-luwag kami. Kaya bunot lang nang bunot, hanggang sa umabot nga sa punto na naging matumal yung income ko, naging tamad sa trabaho, at ang masama pa doon, wala ako naipon ni isang kusing. Lahat kasi ng kinikita ko dumadaan lang sa bank account ko. Pinakamatagal na siguro na naka stay yung pera sa ATM ko ng dalawang araw. Usually kasi, pag alam kong may pera na, kinukuha ko kaagad lahat. Kaya nong medyo nag lie low ako, nga-nga na!

Image grabbed from lifehacker.com

Friday, April 7, 2017

Paano Aayusin Kung Ayaw na Makipag-ayos pa?

Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang mga pagkakataon na hindi kayo magkakaunawaan. Kahit gaano pa kaganda ang inyong samahan, dadating at dadating talaga sa puntong magtatalo kayo sa mga bagay-bagay; malaki man ito o maliit. Ngunit papaano niyo ito aayusin kung ang isa sa inyo ay sawa na at ayaw nang makipag-ayos pa?


Naisip ko lang bigla, paano nga ba? Ikaw, alam mo sa sarili mo na gusto mo pang lumaban at ayusin ang relasyon ninyo, pero siya sumusuko na. Diba, parang ang sakit? Hindi parang, masakit talaga.

Wednesday, March 22, 2017

Hindi Na Muna

Tatlong buwan na rin simula noong umuwi ako dito sa probinsya. Bakasyon lang dapat 'to eh, kaso napahaba at napasarap ito hanggang sa nagsanga-sanga na ang mga pangyayari at ganoon rin ang mga naging desisyon ko.

Namimiss ko na ang Maynila at pati na rin ang mga ingay at usok nito (weird, alam ko). Namimiss ko na ang mamuhay mag-isa. Namimiss ko na gawin ang mga bagay-bagay na gusto ko na di na kailangan pang magpaalam kaninuman. Sa madaling salita, nakakamiss maging independent at masolo ang buong bahay.


Wednesday, March 15, 2017

Ang Taba Ko Na!

Naiinis ako sa sarili ko, kasi kahit anong diet ang gawin ko, kahit anong exercise ang gawin ko, di pa rin nababawasan ang timbang ko. Meron akong PCOS at isa nga yan sa mga hadlang sa pagbabawas ko ng timbang.

photo grabbed from www.quotesaboutfriendship.info

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...