Tungkol Saan ang Blog na ito?

Marahil po ay nagtataka kayo na sa dinami-dami na ng blogs ko ay heto at meron na naman akong isang blog. Well, ganyan talaga. Masyadong malikot ang isipan ko kaya't kung anu-ano na lamang na klase ng blog ang naiisip kong gawin.

Aktwali, hindi ito ang unang beses na nagkaron ako ng blog sa salitang Pilipino. Mga ilan na nga ulit yung binura kong blog sa salita natin? Mga 3 na siguro. Ewan ko ba kung bakit ko iyon binura. Pero sa isang ito, ita-try kong magtagal to ng kahit isang taon man lang. TRY ko!

Ang blog pong ito ay may pagka personal. Kung hindi nyo ibig masaksihan o mabasa ang ka-dramahan ng buhay ko, malaya po kayong i-close ang tab/window na ito sa inyong browser. 

Ibig ko lamang pong ibahagi dito ang may pagka personal na nararamdaman at nangyayari sakin. Dito, walang hadlang. Since hindi naman naiintindihan ng mga amo ko ang mga nakasulat dito ay okay lang na magpaka loka ako dito. Wala naman pong kahit anong against sa kanila dito. Ang lahat ng ilalagay ko sa blog na ito ay puro mga personal na damdamin ko lamang po. Gusto ko lang magkaroon ng isang malayang blog kumbaga. 

Basta! Kayo na ang bahalang humusga. Ang sa akin lang po ay malaya kayong bumasa sa mga ipo-post ko dito at malaya din kayong umalis kung hindi nyo type. 

Mag chikahan na po tayo! :) 

2 comments:

Fernando Lachica said...

Nice blog...indeed!

rona said...

Haha tama ka Marie. Minsan kailangan natin ng kalayaang iphayag ang ating sariling buhay sa paraang at home dahil sa sariling wika ang gamit. Well, nagpupugay ako para sa blog mong ito. Tatambay ako dito at magbabasa nang mangilan ngilan mong akda. Tsismosa lang peg. Lol. Basta karamay mo ko jan. space mo to kaya walang may karapatang umintrude dito. Haha. Bakit nga ba late ko ito nadiscover. Di bale iistalkin na kitang maigi. I-add kita sa kapitbahay ko ha?

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...