Wednesday, March 15, 2017

Ang Taba Ko Na!

Naiinis ako sa sarili ko, kasi kahit anong diet ang gawin ko, kahit anong exercise ang gawin ko, di pa rin nababawasan ang timbang ko. Meron akong PCOS at isa nga yan sa mga hadlang sa pagbabawas ko ng timbang.

photo grabbed from www.quotesaboutfriendship.info

Nakaka-frustrate na minsan. Hindi ako masaya na nakikita ang sarili ko sa salamin o mga litrato. Hindi rin nakakatulong yung mga taong nagsasabi na "Oy, ang taba mo na. Napabayaan ka na yata sa kusina." Hindi niyo lang alam kung ano pinagdadaanan ko at nararamdaman ko araw-araw.

Pero ganun pa man,sinisikap ko pa rin na gumalaw at balanseng pagkain. Sana lang mabawasan naman kahit papano para naman hindi ako mawalan ng pag-asa.

Tips naman diyan oh! Baka meron kayong alam kung paano makapagbawas ng timbang.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...