Wednesday, January 30, 2013

Kung Kaya, Bakit Hindi?

Madalas, pag napapadpad ako sa siyudad, hindi maiwasang mahabag ang aking damdamin pag nakakakita ako ng mga taong nanglilimus, lalo na yung mga matatanda na. Mas kaawa-awa yung mga matatanda na at walang bahay na mauwian at sa gilid lang ng kalye natutulog. Minsan, napapaiyak ako.

Photo grabbed from uwb2ms.blogspot.com
Minsan, may nakilala akong matandang mag-asawa sa kahabaan ng kalye sa Cebu. Hindi ko na lamang sila papangalanan at tatawagin ko na lamang sila na Nanay at Tatay.

Si Tatay ay hindi na nakakakita at akay-akay siya ni Nanay sa araw-araw na kanilang paglalakad sa mga kalsada doon sa Cebu. Nahabag ako sa aking nakita na pinapainum ni Nanay si Tatay ng kanilang baong tubig at gusto pa ni Tatay uminom pero wala na itong laman.

Lumabas ako ng aming tindahan at binigyan ng isang basong tubig para kay Tatay at isang basong tubig din para kay Nanay.

Umiyak si Nanay. Napaiyak na din ako sa di ko alam na dahilan.Tinanong ko si Nanay kung bakit siya umiiyak. Pero hindi sumagot si Nanay at nagpatuloy lamang sa pagluha kaya si Tatay na ang sumagot at ngumiti.