Monday, November 19, 2012

Ang Sarap ng Buhay Pag Bata Ka

birthday ng bunso kung kapatid (yung naka-green)
Alam mo yung feeling na bata ka, tapos kunting lambing at iyak mo lang, nakukuha mo na yung gusto mong kendi, cake o laruan. Syempre yung abot-kaya ng bulsa ng mga magulang natin.

Nakaka-miss yung mga araw na tanging problema mo lang ay ang baon mo sa pagpasok sa paaralan araw-araw. Yung pag di na kasya yung tsinelas mo, pabibili ka lang ng rambo or spartan na tsinelas tapos na ang iyong dilemma. Di na big issue kung anong brand man ito, basta tsinelas.

Yung mga araw na pag nagtatampo ka, kaunting joke at lambing lang ng isa sa mga magulang mo, okay na...
Tapos patutulogin ka pa tuwing hapon para daw lumaki. Diba? Walang masyadong pinapagawa sayo?

Ang sarap ng buhay pag bata ka! Pramis...


Monday, October 22, 2012

Panaginip Lang Pala



Hahayyyyyyyyyy! Ang sarap naman ng tulog ko. Plus, ang ganda din ng napanaginipan ko!  Hay!!! Akala ko totoo na yun!

Kaka-stalk kasi kaya ayun, napanaginipan tuloy. hahahaha! Hindi naman po ako yung isang severe na stalker ha? Patingin-tingin lang sa profile nya, masaya na ako! hahaha.

Sige, iku-kwento ko na yung panaginip ko ha? Wag pong KJ! hehehehehe.

Saturday, October 13, 2012

Nakakapagod Maghintay

Waiting On The World To Change by RiaPereira - here and there
Waiting On The World To Change, a photo by RiaPereira - here and there on Flickr.

Alam mo, pagod na akong maghintay sayo. Ano bang problema mo? Ako na lang palagi ang pinagbubuntunan mo ng init ng ulo mo. TAO ako! NASASAKTAN! 

Hindi porke't mataas ang respeto ko sayo ay kakayanin kong maghintay ng habang-buhay. Masakit lang isipan na parang binabalewala mo ang lahat ng ginagawa ko. Lahat ng mga pagsisikap ko at lahat-lahat na! Alam mo ba kung gaano kasakit yun? 

Abot hanggang langit ang respeto ko sayo pero ngayon di ko na alam saan napunta yun. Paulit-ulit mong dinudungisan ang respetong yun at pati tiwala ko sayo, unti-unti ng naglalaho. 


Thursday, October 11, 2012

Salad na Langka

Nais ko lamang pong ibahagi sa inyo itong paborito kong ulam tuwing tanghalian. Salad na Langka (nangka sa bisaya). Masarap na masarap! Tsk. Hindi pa rin ako makaiwas na kumain ng kanin. Mahirap na kasing tanggalin ang mga nakasanayan, diba po?

sa akin lamang ito. 
Alam nyo ba na in na in ngayon sa bisaya ang salitang salad? Bakit kamu? hahaha. Kasi dito sa amin ngayon, pag may nagsabing salad ang agad-agad na pumapasok sa isipan ng mga tao ay sexy lalo na kung ang tinutukoy ay tao o babae. Pero hindi tungkol dyan ang post na ito. hahaha


Monday, October 1, 2012

Ang Bilis ng Panahon

Parang kahapon lang, isa akong emoterang nagdadalaga at ngayon, kahit papano nag matyur naman ng kaunti (nag-eemote pa din minsan). Baguhan pa lang ako noon sa pagsulat at nagsimula ako sa Triond tapos nagseryoso sa blogging hanggang sa dumami ang mga ito at sumali din sa ibang writing at earning sites. Pero iba pa rin talaga bumalik kung saan ka nagsimula, diba?

Kaya ngayon, sinisikap kong magbalik-loob sa Triond. Yup! Magbalik-loob. Matalinghaga! haha! :) Diba? Nag-eemote pa din ako! Itong post nato ang ebidensya.

Nag-isang taon na pala ako sa Triond noong Enero. Sos! Di ko man lang namalayan. Sayang! Nagpa piyesta sana ako. Sa Triond kaya ako na discover ng kasalukuyan kong employer ngayon kaya ang laki ng pasasalamat ko sa Triond.

O kayo, baka di pa kayo member ng Triond, sali na kayo. Marami kayong makukuhang kaalaman doon. Sana sumali kayo bilang referral ko. Ito ang link ko oh: http://www.triond.com/rw/469471. Sali kayo ha? Hintayin ko kayo don!

Tuesday, September 18, 2012

Hindi Lang Maiwasan Ang Nakaugalian

Naglalakad ako sa kahabaan ng kalye ng Espiritu dito samin. Feeling ko, lumulutang ako. Masamang-masama yung loob ko. Ewan ko ba! Lumilipad yung isipan ko sa kung saan.

Kanina pa ako bothered na bothered tapos pag-uwi ko from a conference, gulo pa aabutan ko. Dapat nong isang buwan pa ako lumipad papuntang Thailand at doon na muna manirahan pero pinipigilan ko lang talaga yung sarili kong umalis kasi ayoko na lumalaki yung mga kapatid ko na wala ako. Masakit yun! Kahit isipin ko nga lang, naiiyak na ako eh.

Pero bakit parang inuudyok na nila akong umalis? Di ko lang maintindihan! Sobrang sama ng loob ko ngayon!

Emotera na ako noon pa man. Akala ko nga di na ako mag-eemote muli dahil sa sobrang busy ko pero heto ako ngayon, iiyak-iyak sa harap ng computer! Diyos ko... Di ko maintindihan yung pakiramdam ko! :( Mahirap palaga talagang tanggalin sa sarili natin yung mga bagay na minsan na nating nakaugalian!

Saturday, September 1, 2012

Naiwan ng Last Trip

Gutom na!
Naranasan nyo na bang maiwan ng bus pauwi tapos last trip na pa yon sa araw ding iyon? Grabe! Sobrang struggle lang! Gutom na gutom na kami dyan. Di na kami bumili ng pagkain kasi yong pera namin, tama lang pang pamasahe. Kaya ayon, tiis-tiis muna.Okey lang sa akin eh kasi matitiis ko yong gutom pero yong mga bata talaga yong kawawa.

Sa awa naman ng Diyos, pinadalhan kami ng Papa ko ng pamasahe. Kaya yung perang hawak namin (500 Pesos) eh pinangkain namin at tinulog na rin namin sa isang lodge ng isang gabi.. Kinabukasan, nakasakay na din kami pauwi!

Sana di na ito maulit pa! SANA!

Thursday, August 23, 2012

Hiatus Muna

SMILE! :)
Oy, nasa internet cafe ako. Eh kayo ba naman manakawan ng laptop? Tsk! Buti na lang understanding si bossing. Pa e-mail - e-mail na lang muna sa mga updates ngayon dahil wala pa akong PC. Hindi naman pwede gumawa ng websites sa cafe. Tsk! :(

Mga ilang araw na din yung nagdaan simula nong mawala yung laptop ko. Nakaka-miss din mag puyat noh? Nasanay na maging night owl eh.

So, yun na nga! Putek na mga akyat-bahay gang na yun, muntik ng mapanganib ang posisyon ko. Buti na lang naipaliwanag ko agad sa higher management anong nangyare. BUTI na lang talaga at naiintindihan nila ako. Eh kung sana pwede akong mag-advance para makabili ng bagong laptop, wala na sana ako dito sa madilim na cafe sa amin. Tsk! Di pa daw pwede eh. Pero may right time din dyan! :)

HIATUS muna aketch mga blogpals ah? See y'all soonest! ♥

Saturday, July 28, 2012

Hindi Na Kagaya ng Dati

Masakit mang isipin pero parang wala na talagang pag-asa maging buo at masaya ulit ang pamilya namin. Personal issue ito but I don't mind putting it here. Di ko na kasi kayang isarili na lang 'to.

Ang mga magulang ko talagang hindi na nagkakasundo. Halos araw-araw na lang silang nagbabangayan. Pagod na rin ako makitang palagi silang ganyan at ako lang nasasaktan. Pero, bilang anak... masakit pa ring isipin na yung mga magulang mo na mismong gumawa sayo ay maghihiwalay.

Yup! May third-party issue nga. Di naman nagkulang yung isa, pero bakit nagawa pa rin ng isang magkaron ng "kabit". Masakit! Alam ko nasaktan din yung isang parent ko pero hindi ma-a-undo pa ang nangyari eh. Nasaktan na siya. Nadungisan na ang trust na binigay nya dun sa isa at kahit anong limot ang gawin niya, nandoon pa rin yung marka na sagot na ginawa ng taong minahal niya after 20 years of marriage.

Bakit nga ba kilangan pa magloko? Di ko ma gets! Busog na busog naman sana sa pagmamahal at atensyon. Mas ako nasasaktan sa lahat ng nangyari eh.

On my 18th birthday

Friday, July 27, 2012

Bawal ang Mainggit! (NAKAKAMATAY)

Ipinanganak tayong hindi pare-pareho. Sa kulay, itsura, talento, talino at pag-uugali. Hindi rin pantay-pantay ang ating pamumuhay. May mayaman, mayroon din mahirap. May mga taong kilala, mayroon din naman hindi. Masuwerte ka kung ipinanganak kang mayaman. Pero kung ikaw ay pinanganak na mahirap, huwag mong sabihin na malas ka. Kasi gaganda naman ang buhay ng kahit na sino basta magsumikap ka lang.

Sa paligid mo ngayon marami kang makikita na hindi maganda. At kabilang na diyan ang pag-uugali ng tao. May mabait, mayroon ding nagbabait-baitan lang. Mayroong akala mo totoo, pero kapag nakaharap ka lang. Kunwari dadamayan ka, pero pag nadapa ka na, iiwanan ka na lang basta.
May mga tao talaga na walang ibang magawa kundi pagmasdan ang iyong mga ginagawa. Sundan ka kung saan ka pupunta. Lalo na pag kilala at sikat ka. Akala mo tagahanga mo sila. Pero hindi, kasi kaya ka lang nila sinusundan at pinagmamasdan dahil humahanap sila ng butas at pagkakataon para gawin kang masama. Hindi porke’t mas maganda na ang buhay mo kaysa sa kanya, dahilan na para siraan ka niya.

Dito sa mundo, maraming pakialamero at pakialamera. Mga hindi kuntento sa sariling buhay nila. Papasukin pa ang buhay ng iba. Okay sana kung maganda ang pakay nila, pero hindi dahil sisiraan ka. Akala mo totoo siya, kapag nakatalikod ka may sinasabi palang masama. Akala mo, kaibigan mo, maaasahan at mapagkakatiwalaan. Pero kapag wala ka, siya ang bida at inaapak-apakan ka niya nang hindi mo nalalaman.

May mga tao na walang alam tignan kundi kung ano ang mayroon ka na wala sila. Kung sino at ano ka, kung nasaan ka na. Magaling magkumpara at magaling magkuwenta. At kapag nakita niya na gumaganda ang buhay mo, sumisikat o kahit ano pa, hihilain ka naman niya pababa. Ayaw niyang maging masaya ka. Ayaw niyang umaangat ka kaya abala siya sa paninira.

Bakit kaya ganun ang mga ugali ng inggitero at inggitera? Imbes na magsumikap sila para maabot at marating kung anong mayroon ka, mas gusto nilang siraan ka. Ano bang napapala nila sa paninira? Wala diba? Nagsasayang lang sila ng panahon sa mga bagay na wala namang kuwenta. Kung ginugol na lang sana nila ang mga oras ng paninira nila sa ‘yo sa mas makabuluhang gawain, mas mabuti pa.

Lumalala, sumasama. Hindi na maganda para sa mga batang lumalaki at sa mga isisilang pa. Ang ugaling ito ay hindi magandang tularan nila. Kaya habang maaga pa dapat mag-isip-isip ka na. Kung mayroong dapat baguhin sa iyong sarili, baguhin mo na.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...