Saturday, July 28, 2012

Hindi Na Kagaya ng Dati

Masakit mang isipin pero parang wala na talagang pag-asa maging buo at masaya ulit ang pamilya namin. Personal issue ito but I don't mind putting it here. Di ko na kasi kayang isarili na lang 'to.

Ang mga magulang ko talagang hindi na nagkakasundo. Halos araw-araw na lang silang nagbabangayan. Pagod na rin ako makitang palagi silang ganyan at ako lang nasasaktan. Pero, bilang anak... masakit pa ring isipin na yung mga magulang mo na mismong gumawa sayo ay maghihiwalay.

Yup! May third-party issue nga. Di naman nagkulang yung isa, pero bakit nagawa pa rin ng isang magkaron ng "kabit". Masakit! Alam ko nasaktan din yung isang parent ko pero hindi ma-a-undo pa ang nangyari eh. Nasaktan na siya. Nadungisan na ang trust na binigay nya dun sa isa at kahit anong limot ang gawin niya, nandoon pa rin yung marka na sagot na ginawa ng taong minahal niya after 20 years of marriage.

Bakit nga ba kilangan pa magloko? Di ko ma gets! Busog na busog naman sana sa pagmamahal at atensyon. Mas ako nasasaktan sa lahat ng nangyari eh.

On my 18th birthday

Wala nang magiging ganyang picture ulit sa mga susunod na birthdays ko. Masakit man isipin pero yun ang totoo. Nakapag desisyon na silang maghiwalay and I tried my best na mag reconcile sila pero wa epek eh. I did my part na at wala na talaga akong magagawa para malutas pa ang pagsasama nila. Nasasayangan ako hindi lang sa marriage nila kundi sa lahat-lahat na!


Sanay na ako sa mga ganitong feelings eh. Ayaw kong magkahiwa-hiwalay kaming magkakapatid. Gusto ko na kahit hiwalay na mga magulang namin, sama-sama pa rin kami. Kahit nga ako na magpa-aral sa kanila eh gagawin ko. Pero kilangan din nila magdesisyon kung kanino sila sasama.

HAAAAAAAAAAAAAAAY! Kilangan ko maging maayos para sa mga kapatid ko. Sila na lang pinaghuhugotan ko ng lakas ng loob at inspirasyon.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...