Friday, April 5, 2013

Wala Naman Sa Itsura Yun!!! MGA CHISMOSA!!!

Badtrip lang. Kung sino pa yung pinagtitiwalaan mo nang lubos, siya pa yung sasaksak sayo pag nakatalikod ka na.

Alam ko, di ako kagandahan. Di ako kasing kinis nyo. Di ako kasing sikat nyo. Pero tanong ko lang, anong meron kayo? Ni wala nga kayong trabaho eh. Puro lang kayo chismisan. Ka-embyerna!
Photo grabbed: redbubble.com

Di ako maganda, di ako maputi, di ako kilala nang lahat pero ako ay ako. Nagtatrabaho, kumakayod at nagpapakahirap para sa mga taong mahal at pinapahalagahan ko.

Pinipigilan kong sarili kong di makapagsalita ng hindi maganda sa inyo kaya dito ko na lang ilalabas ang damdamin ko.

Di ako lumalabas ng bahay kasi alam ko, kahit wala akong pinapakialamang tao, meron at meron pa rin akong maririnig. Pero, andito na nga ako at nagtetengga sa bahay, meron pa ding dumadating sa akin? Ganyan na ba talaga ako kasikat dito? Wow ha! Pinantayan ko ba si Kris Aquino?

Yun nga, di talaga mapigilan ang mga taong matatabil ang dila. Ang hirap talaga pag showbiz. Charot! Pero, badtrip pa din ako ngayon. Huhupa din to. Ipagdadasal ko na lang sila. Sana tumahimik na sila.

Nasaktan lang talaga ako dun sa narinig ko. Tanggap ko naman sa sarili ko na di talaga ako maganda eh, pero masakit marinig mismo sa kaibigang pinagkatiwalaan mo na ginagawa ka lang pa lang pulutan sa usapan nila. MASAKIT TEH!

Pero ito lang masasabi ko, kahit ano man sabihin nyo dyan. Masaktan man ako't paulit-ulit, wala pa rin kayong mahihita kahit ni singko sa mga ginagawa nyo! BLEEEEEEH!

Hay naku! Kung may bayad lang siguro yang pag-uupo at pagkukutohan nyo dyan sa eskinita, siguro ang yaman nyo na lahat noh?

O ayan, tatapusin ko na lang to dito at baka mag brownout na naman. Mahirap na!

8 comments:

Rovie Aguis said...

Oi, chillax la kang dear. Hayaan mo na sila. Ganyan talaga ang sikat laging pinag- uusapan. You shouled be flattered kay imagine pinagkaka-abalahan ka nila samantalang ikaw deadma lang.

As long as you know you are not doing anything wrong, deadma lang dear. Take it easy. That friend is not actually a friend. Just learn the lesson and move on.

mhie@smarlktastes said...

Be a better person after what you heard from your friend.Kung kailangan mong lumaylo-umiwas ka na para kang wala lang narinig.One day tanungin ka nila sabihin mo ang totoo. Its not face value matters is it how you deal with other person and that makes u beautiful than them.You're beautiful believe me,because God created you.

Chubskulit Rose said...

Keep your cool Marie. I think tinichizmis ka nla is because they are envy of you
.

Algene May C. said...

Hayyy nako. Bakit ang daming nega sa mundo? Hayaan mo nakang sila kasi hindi ka kasing babaw nila. It's really sad to find out na kung sino pa ang close mo, sila pa ang mga traydor. But what can we do? It's their loss naman, not yours. Smile na para good vibes :)

papaleng said...

Bunso, mind them not and please don't compare yourself to them. May trabaho ka at higit sa lahat MAGANDA ka rin. Yan ang sabi ni God.

Cher said...

sabi nila pag may haters ka, isa lang ang ibig sabihin nun - kinaiinggitan ka kasi you are doing well with your life. real beauty lies deep within. wala namang taong pangit, all of us are created by God with unique physical features. tama si Mhie, you are beautiful because God created you. ayan, smile ka na ha. :)

Lainy said...

A real good friend does not backbite anyone much more a person she considers friend so you now know when to back off and say good riddance to her.

Take it easy, Marie. You are a good girl most especially a good provider to your family. That's what matters the most. When you're doing something really great, people would tend to pull you down. It just means you're far better off compared to them so cheer up!

It's normal to vent out your angst this way but when everything's said and done, sayo parin ang huling halakhak. Oh diba? Ang bongga lang!

cheerful said...

sis, ignore mo na lang sila...they might not be worth it of your time. let go and move on, don't hang out with friends like that...be with positive people and enjoy each day! btw, you're beautiful...and sabi nga its the character that counts. here's hug for you sissy. xx

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...