Monday, November 19, 2012

Ang Sarap ng Buhay Pag Bata Ka

birthday ng bunso kung kapatid (yung naka-green)
Alam mo yung feeling na bata ka, tapos kunting lambing at iyak mo lang, nakukuha mo na yung gusto mong kendi, cake o laruan. Syempre yung abot-kaya ng bulsa ng mga magulang natin.

Nakaka-miss yung mga araw na tanging problema mo lang ay ang baon mo sa pagpasok sa paaralan araw-araw. Yung pag di na kasya yung tsinelas mo, pabibili ka lang ng rambo or spartan na tsinelas tapos na ang iyong dilemma. Di na big issue kung anong brand man ito, basta tsinelas.

Yung mga araw na pag nagtatampo ka, kaunting joke at lambing lang ng isa sa mga magulang mo, okay na...
Tapos patutulogin ka pa tuwing hapon para daw lumaki. Diba? Walang masyadong pinapagawa sayo?

Ang sarap ng buhay pag bata ka! Pramis...


Dati-rati, gustong-gusto ko na agad lumaki para makapag trabaho at matupad na yong mga pangarap ko na makapunta sa iba't-ibang lugar..

HINDI PALA GANUN KADALI MAGING MATANDA!

Kasi pag malaki ka na at may trabaho na.. Madami na ang iniisip mo. Hindi na baon sa pang araw-araw na pag pasok sa paaralanang pino-problema mo.

May buwis ng babayaran, mga bayarin sa kuryente, tubig, internet, insurance, at iba pa kada buwan. Masakit sa ulo diba? Hindi na madadala sa kendi lang.

Halos di na makatulog sa pagtatrabaho, mabayaran lang lahat ng mabayaran. Idagdag pa ang mga unexpected na gastos.

Okay lang yung sa pera, kasi yung pera nakikitayan eh. Eh yung mga relasyong nagkalamat? Parang hirap na ding ibuo, diba? Yung mga tiwalang nadungisan na, hirap na ring buo-hin non. Hayy! Ang hirap maging matanda.

Gustohin ko man, pero di na mangyayaring maging bata pa ulit.

Kaya, sinusulit ko ang bawat hininga na "teen" ako. Kahit pa na sa bawat araw na nagdaan simula noong mag-umpisa akong magtrabaho, puro problema na lang ang natatanggap ko araw-araw, ayos lang yun. Kasama ko naman mga kapatid ko na syang mga nakapagpapasaya at nakakapagpasakit din ng ulo ko.

PAHABOL:

Masakit din yung mga pagkakataon na may hihingin sila sayo na na-tiyempuhan namang di mo maibigay. Ang hirap tignan nong mga taong yun na alam mong may sama sila ng loob.

BUHAY nga naman. Parang GULONG!

22 comments:

Raine Pal said...

Kids are like that. We are like that. Masaya maging bata ulet!

mtrguanlao said...

Masarap talagang maging bata muli kasi wala silang iniisip na mga problema, kung pwede nga lang na maging bata muli pero lam mo bunso,kahit naman matanda na tayo e pwede pa din nating gawin yung mga ginagawa ng bata gaya ng paglalaro. Lam mo bang naglalaro pa din kami dito sa bahay ng mga habulan at patintero kasali pati si hubby? Ang saya!

Franc Ramon said...

Parang gulong nga ang buhay pero kahit nasa taas man tayo o nasa ibaba ay dapat at nakikita pa rin natin ang kabutihan ng buhay.

roviedear said...

true! now that im working all i wish is to turn back the time and be young again :)

Rovie The Bargain Doll
:)

KM said...

Ang kyut kyut talaga ng bunso mong kapatid, Marie!

Take it easy lang sa life. Batang bata ka pa, and i-enjoy mo lang ang pagiging "teen" mo. It's good that you seem to be matured than your age but don't let the issues of "adulthood" weigh you down too much. One step at a time lang, and ma-a-achieve mo din lahat ng pangarap mo. Hindi maiiwasan ang mga relationships na nagkakalamat and as you go along life, marami ka pang ma-e-experience na ganiyan, pero gaya nga ng sabi mo, buhay parang gulong, kaya keri lang yan, tuloy lang ang laban sa buhay, and always put God first :)

anney said...

So true! Pag bata ka wala ka talaga iniintindi halos puro pasarap. Pag tanda mo ikaw na ang mag aasikaso sa mga sumunod na hererasyon.

Alley said...

nung bata ka pa, gusto mo, matanda ka na kasi akala mo mabibili mo na lahat ng gusto mo kasi may sariling pera ka. pero nung tumanda ka na, saka mo marerealize na di pala lahat ng gusto mo mabibili mo. hehehe. life and it's irony. :D

Alley said...

nung bata ka pa, gusto mo, matanda ka na kasi akala mo mabibili mo na lahat ng gusto mo kasi may sariling pera ka. pero nung tumanda ka na, saka mo marerealize na di pala lahat ng gusto mo mabibili mo. hehehe. life and it's irony. :D

Chubskulit Rose said...

Kung pwede nga lang maging bata ulit, gagawin ko.

Sarah Jean said...

Enjoy the happiness brought up by simple things and appreciate life and continue to grow. Responsibilities are just part of being an adult.

Teresa Martinez said...

Masaya nga ang maging bata. Kung iisipin natin ngayon ang mga problema natin dati, parang munting puwing lang sa buhay kumpara sa mga responsibilidad ng mga matatanda.

nova hedges said...

siguro the best life natin if we act like kids, forgive and forget right away...just like what kids does when they are mad at you over things and you tried to resolve them with something, the hatred is gone...this place could be a better one if we just be like that.

MaryJane Tauyan said...

life is indeed so diffecult when you are a certified adult! though i am trying to always in a good mood as my husband says, enjoy life you only live once hehe YOLO.

Tingting R. said...

This is very true. Funny.

Rcel said...

Very true! That's why I keep reminding my daughter to live her childhood life to the fullest and not grow old fast.

papaleng said...

Masarap talagang GUMAWA ng bata. LOL Carefree ang buhay noong bata pa tayo ngayon tadan na Modess na. Ano ba pinagsasabi ko. Sorry hindi kasi ako naging bata, Lumabas ako sa mundo Teen na. LOL

kulasa said...

Gusto ko ring tumanda agad nung bata ako, dami kaseng bawal nun. Napaka bait mong anak at kapatid. Sana matupad lahat ng pangarap mo sa buhay. ♥

Algene said...

That's why i love being surrounded with children. Powerful yung happy and care-free attitude nila. Nakakahawa. :)

lencilicious said...

Ang sarap talaga maging bata, walang problema, walang komplikasyon sa pakikitungo sa ibang tao. Ganun pa naman, wala tayong magagawa kundi magpasalamat dahil minsan sa buhay natin, naging bata tayo. Kung ano mang sitwasyon natin ngayon, may mga tao mang magulo kasama, hayaan lang natin sila, dun sila masaya e, wag lang sa punto na makakasakit na sila.

Marie Imperial said...

Hehehehehe! Mas enjoy ko ang buhay ko as adult kaysa noong bata ako. Ewan. Hindi maganda yung childhood ko in general. Hahahahahaha!

Jessica Cassidy said...

Awww! Look how happy and precious they are :-) I missed my childhood very much while playing with my cousins :-) My kids have different lifestyle especially that they are living in the States. You just have to let them enjoy their childhood :-) Yes! they grow up too fast too :-(

Lainy said...

Mukhang ang lalim ng pinaghuhugotan ah! hehe! Seriously Marie, I know where you're coming from. Iba ang ikot ng mundo sa mata ng bata. Sa atin namang matatanda, kung puede nga lang bumalik sa pagkabata. Except nalang kung talagang isip bata. Ibang usapan na yon. LOL!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...