Tuesday, October 30, 2018

Paano Ba?

Ang hirap-hirap gampanan ang papel ng isang magulang. Hindi ko na alam kung saan ko pa hinuhugot tong lakas ko ngayon. Ilang taon na rin na ako ang tumatayong magulang ng mga kapatid ko, at akala ko masasanay ako sa ingay, iyakan, awayan, at lahat ng drama. Pero hindi. Mas humihirap siya habang tumatagal.

Ginagawa ko naman lahat. Kinakaya ko naman lahat. Pero bakit ganun? Parang wala pa ring pagbabago. Hindi na matapos-tapos ang gulo.

Tao lang din ako. May hangganan. Punong-puno na ako. Di ko na alam ano pang gagawin ko para mapalaking maayos ang mga kapatid ko.

Darna, paano ba? Pahiram naman ng bato mo. Baka sakaling kayanin ko ang mga parating pang taon sa buhay ko.

Sunday, September 16, 2018

Hindi Ko na Kaya

Ang bigat na, ang sakit-sakit na! Saan ba ako nagkulang? Binigay ko naman lahat. Lahat-lahat! Pucha, kulang pa rin ba? Ubos na ubos na ako eh!

Hindi ko na alam kung hanggang saan pa ang kaya ko. Ramdam kong kunting-kunti na lang, mapuputol na 'tong pisi ko.

Sa sobrang pagmamahal ko sa inyo, lumalaki na mga ulo niyo. Kailangan ko na yata kayong tikisin, kahit mahirap sa loob ko. Kahit gusto ko ibigay mga gusto niyo. Pero sobra na kasi eh. Ako na nahihirapan!

Tangina! Bakit ba umabot sa ganito? :'(

Wednesday, June 6, 2018

Nahihirapan Pero Lumalaban

Ang tagal ko na palang hindi nakakapagsulat dito. Ewan ko ba, wala talaga akong ganang magsulat nitong nakaraan. Ang dami kong planong isulat pero pag sinusubukan ko nang magsulat, parang bulang naglalaho lang ang mga saloobin na gusto kong isulat.

Nahihirapan na ako sa buhay ko. Ang dami-dami kong problema, ang dami-daming trahedya ang nangyayari sa pamilya ko. Pero kahit pa ganoon ay pilit pa rin akong nagpapakatatag para sa pamilya ko. Lumalaban kahit lugmok na lugmok na.

Ngingiti-ngiti ako sa harap nila, pero pag ako nalang mag-isa, nag-uunahan sa pagdaloy ang aking mga luha.