Thursday, October 10, 2013

Minamahal o Kinakainisan Ba si Papa Jack?

Kilala nyo ba si Papa Jack? Siya yung sikat na DJ sa Love Radio na ume-ere tuwing alas nuwebe ng gabi hanggang alas dos o alas tres yata.

photo credits: starmometer.com
Siya si Papa Jack. Actually, noong una di ko talaga siya kilala or ano ginagawa niya. Basta ang alam ko may Papa Jack na nag-eexist sa internet. Nagpa-follow kaya ako ng Papa Jack Advices at Papa Jack Quotes sa Twitter.

Nakilala ko lang siya at ano ang ginagawa niya last month ng na-open ko yung FM radio ng cellphone ko na tune in nga sa frequency ng stasyon nila.

Ano ba ginagawa niya? DJ nga siya, diba? Hahaha. Sinagot ko lang ang sarili kong tanong. Bungol! hahaha. Seryoso, DJ po si Papa Jack at magaling siyang magbigay ng advice sa mga callers niya. Para siyang doctor love.


Monday, October 7, 2013

Noong Wala Pa Ang Digital Camera

Naaalala mo pa ba ang mga panahong wala pa ang digital camera? Mga panahong kailangan mo pang maghanap ng isang litratista o di naman kaya ay kailangan mo pang pumunta sa estudyo ng isang litratista para magpakuha lamang ng litrato? Kung inyo pang naaalala, tuwing mga espesyal na okasyon lamang tayo nagpapakuha ng litrato, hindi ba?

Kung ating iisipin, napakapayak ng ating pamumuhay noon. Kontento sa mga bagay-bagay. Dati, kailangan pa nating maghintay ng ilang araw para makuha ang ating mga litrato galing sa litratista. Pero ngayon? Mabilis pa sa alas-kuatro, kung gugustohin, ayan na agad-agad ang iyong inaasam na litrato. Kung dati ay inilalagay pa natin sa photo album ang mga litrato, ngayon naman, sa Facebook o Instagram na natin inilalagay.

Ang Antok Kong Diwa

Kumusta kayong lahat? Na-miss ko ang lugar na ito kung saan malaya akong isulat ang nararamdaman ko sa sarili kong wika. Nakaka-istress magsalita ng Ingles, lalo pa't nararamdaman mong may mali sa grammar mo. Hahaha. Pagbigyan nyo na ako. Hindi pa naman talaga ako masyadong perfekto pagdating sa Ingles eh pero naiintindihan niyo naman kahit papano ang baluktot kong Ingles, hindi ba? :) Mas masarap pa rin talagang magsulat at magsalit sa sarili nating wika. Hindi mo na kailangang mag-isip pa kung ano ba ang tamang salita.

Ako ngayon ay kasalukuyang nasa isang misyon. Hindi ko na lamang babanggitin kung tungkol saan at ano itong ginagawa ko. Gusto ko lang magpahayag ng aking nararamdaman dito tungkol sa mga nangyari sa akin sa mga nagdaang buwan.

Saturday, July 20, 2013

Umiibig na yata ako

... pero hindi nya alam at wala akong balak ipaalam sa kanya.

Takot akong masaktan. Ayoko na! Naranasan ko na minsan ang masaktan dahil sa pag-ibig at ayokong sumugal lalo pa't di ako siguradong pareho din ang kanyang nararamdaman sa akin.

Lalo pa't may sinisinta na siya. Haaaay! :(

Saturday, May 25, 2013

Minsan... Nakakasawa na... NAKAKAPAGOD

May mga araw talaga na parang gusto ko nang maglaho na lang na parang bula. Di kasi ako naiintindihan ng iba eh at ang masakit dun, pinagdududahan pa ako ng kung anu-ano.

Ayoko nang gulo. Tahimik akong tao. Gusto ko nang matiwasay na pamumuhay.. Mahirap ba yun? Bakit parang halos lahat nalang ng mga tao parang ginagawang sagot sa problema ang gulo o away? Makakatulong ba yun?


Thursday, May 23, 2013

Anong meron sa jumpshots?

Napansin nyo rin ba? Masyadong madami na yata akong nakikitang mga taong nagja-jumpshot o tumatalon habang nagpapakuha ng larawan? Ano bang meron sa jumpshot? Hahaha.

Dahil wala kami/silang magawa noong Disyembre ng huling taon, ito't sinubukan namin ng aking mga pinsan ang mag jumpshot kuno.


Saturday, May 11, 2013

Paniniktik

Ngayon lang ako nagka-crush ng sobrang malala. Di ko alam pangalan niya. Di ko alam  pero palage siya sa panaginip ko. Di mawaglit sa isipan ko. Hoooo! Ano ba to. Sigurado naman akong paghanga lang to. Walang pa ako dun sa level na chubachuchu na.

CTO
Okay sana eh kung alam ko pangalan nya at nang matiktikan ko siya sa Fesbuk. Kaso hindi eh. Yun yung masakit. Hahaha.

Hay naku crush. Wag ka kasi panay tingin. Natutunaw ako. Mabuti sana kong magpakilala ka kaso panay padaan-daan lang ginagawa mo. Ano beh talaga??? Kaloka ka.
Pagkatapos ng halalan, di na kita makikita. Paalam na ba to? Tsk.


Friday, April 5, 2013

Wala Naman Sa Itsura Yun!!! MGA CHISMOSA!!!

Badtrip lang. Kung sino pa yung pinagtitiwalaan mo nang lubos, siya pa yung sasaksak sayo pag nakatalikod ka na.

Alam ko, di ako kagandahan. Di ako kasing kinis nyo. Di ako kasing sikat nyo. Pero tanong ko lang, anong meron kayo? Ni wala nga kayong trabaho eh. Puro lang kayo chismisan. Ka-embyerna!
Photo grabbed: redbubble.com

Di ako maganda, di ako maputi, di ako kilala nang lahat pero ako ay ako. Nagtatrabaho, kumakayod at nagpapakahirap para sa mga taong mahal at pinapahalagahan ko.

Pinipigilan kong sarili kong di makapagsalita ng hindi maganda sa inyo kaya dito ko na lang ilalabas ang damdamin ko.

Di ako lumalabas ng bahay kasi alam ko, kahit wala akong pinapakialamang tao, meron at meron pa rin akong maririnig. Pero, andito na nga ako at nagtetengga sa bahay, meron pa ding dumadating sa akin? Ganyan na ba talaga ako kasikat dito? Wow ha! Pinantayan ko ba si Kris Aquino?

Saturday, March 9, 2013

Mabilis Lang ang Dalawang Taon

Sa pagpunta ko ngayong darating na Abril sa bansang Hong Kong para sa isang misyon, na sana maipasa ko at kung maipasa ko man, ako ay mananatili muna doon para gampanan ang aking tungkulin sa kompanyang aking pinaglilingkuran. 

At kung hindi ko man maipasa ang misyong iyon, ako ay uuwi dito sa Pilipinas at maghihintay uli ng dalawang taon para magkaroon ng tsansang madestino sa ibang bansa. 

Napaisip naman ako. Sayang din kung hindi ko maipasa ito sa pagkakataong ito. Pero kung hindi man, mabilis lang ang dalwang taon. Parang ilang araw lang yan na lilipas at di mo mamalayan. 

Ganyan nalang. Positibong pag-iisip at nang hindi mabaliw ang lola! :/

Tuesday, February 19, 2013

Hangad Ko Ang Kaligayahan Ninyo

Bilang anak,tanging hangad ko lamang para sa aking mga magulang ay mamuhay ng tahimik at maligaya. Kaya nagsumikap ako. Nagtrabaho ng biente kwatro oras para kahit papano, masuklian ko ang kanilang pagpapalaki at pagmamahal sa akin. At sa awa naman ng Diyos ay may mga naipundar naman ako kahit papano.


Monday, February 18, 2013

Sakripisyo Muna


Kailangan ko munang magpaalam sa mga matatamis kong mga kaibigan sa mga panahong ito. Kamakailan lamang ay nalaman ko at ng aking pamilya na ako ay may diabetes. Iminungkahi ng aking doktor ang pag-iwas muna sa mga matatamis na pagkain at inumin.

Inaamin ko na ako talaga ay mahilig sa mga matatamis na pagkain at inumin. Kaya hindi ko lubos-maisip na kahit isang araw lamang na di ako nakakatikim ng mga ito. Pero, ika nga sa wikang Ingles, for health's sake, kailangan ko munang isakripisyo ang mga hilig kong ito. Para rin naman sa ikakabuti ko 'to eh.

Wednesday, January 30, 2013

Kung Kaya, Bakit Hindi?

Madalas, pag napapadpad ako sa siyudad, hindi maiwasang mahabag ang aking damdamin pag nakakakita ako ng mga taong nanglilimus, lalo na yung mga matatanda na. Mas kaawa-awa yung mga matatanda na at walang bahay na mauwian at sa gilid lang ng kalye natutulog. Minsan, napapaiyak ako.

Photo grabbed from uwb2ms.blogspot.com
Minsan, may nakilala akong matandang mag-asawa sa kahabaan ng kalye sa Cebu. Hindi ko na lamang sila papangalanan at tatawagin ko na lamang sila na Nanay at Tatay.

Si Tatay ay hindi na nakakakita at akay-akay siya ni Nanay sa araw-araw na kanilang paglalakad sa mga kalsada doon sa Cebu. Nahabag ako sa aking nakita na pinapainum ni Nanay si Tatay ng kanilang baong tubig at gusto pa ni Tatay uminom pero wala na itong laman.

Lumabas ako ng aming tindahan at binigyan ng isang basong tubig para kay Tatay at isang basong tubig din para kay Nanay.

Umiyak si Nanay. Napaiyak na din ako sa di ko alam na dahilan.Tinanong ko si Nanay kung bakit siya umiiyak. Pero hindi sumagot si Nanay at nagpatuloy lamang sa pagluha kaya si Tatay na ang sumagot at ngumiti.