Friday, July 27, 2012

Bawal ang Mainggit! (NAKAKAMATAY)

Ipinanganak tayong hindi pare-pareho. Sa kulay, itsura, talento, talino at pag-uugali. Hindi rin pantay-pantay ang ating pamumuhay. May mayaman, mayroon din mahirap. May mga taong kilala, mayroon din naman hindi. Masuwerte ka kung ipinanganak kang mayaman. Pero kung ikaw ay pinanganak na mahirap, huwag mong sabihin na malas ka. Kasi gaganda naman ang buhay ng kahit na sino basta magsumikap ka lang.

Sa paligid mo ngayon marami kang makikita na hindi maganda. At kabilang na diyan ang pag-uugali ng tao. May mabait, mayroon ding nagbabait-baitan lang. Mayroong akala mo totoo, pero kapag nakaharap ka lang. Kunwari dadamayan ka, pero pag nadapa ka na, iiwanan ka na lang basta.
May mga tao talaga na walang ibang magawa kundi pagmasdan ang iyong mga ginagawa. Sundan ka kung saan ka pupunta. Lalo na pag kilala at sikat ka. Akala mo tagahanga mo sila. Pero hindi, kasi kaya ka lang nila sinusundan at pinagmamasdan dahil humahanap sila ng butas at pagkakataon para gawin kang masama. Hindi porke’t mas maganda na ang buhay mo kaysa sa kanya, dahilan na para siraan ka niya.

Dito sa mundo, maraming pakialamero at pakialamera. Mga hindi kuntento sa sariling buhay nila. Papasukin pa ang buhay ng iba. Okay sana kung maganda ang pakay nila, pero hindi dahil sisiraan ka. Akala mo totoo siya, kapag nakatalikod ka may sinasabi palang masama. Akala mo, kaibigan mo, maaasahan at mapagkakatiwalaan. Pero kapag wala ka, siya ang bida at inaapak-apakan ka niya nang hindi mo nalalaman.

May mga tao na walang alam tignan kundi kung ano ang mayroon ka na wala sila. Kung sino at ano ka, kung nasaan ka na. Magaling magkumpara at magaling magkuwenta. At kapag nakita niya na gumaganda ang buhay mo, sumisikat o kahit ano pa, hihilain ka naman niya pababa. Ayaw niyang maging masaya ka. Ayaw niyang umaangat ka kaya abala siya sa paninira.

Bakit kaya ganun ang mga ugali ng inggitero at inggitera? Imbes na magsumikap sila para maabot at marating kung anong mayroon ka, mas gusto nilang siraan ka. Ano bang napapala nila sa paninira? Wala diba? Nagsasayang lang sila ng panahon sa mga bagay na wala namang kuwenta. Kung ginugol na lang sana nila ang mga oras ng paninira nila sa ‘yo sa mas makabuluhang gawain, mas mabuti pa.

Lumalala, sumasama. Hindi na maganda para sa mga batang lumalaki at sa mga isisilang pa. Ang ugaling ito ay hindi magandang tularan nila. Kaya habang maaga pa dapat mag-isip-isip ka na. Kung mayroong dapat baguhin sa iyong sarili, baguhin mo na.

15 comments:

papaleng said...

Mabuhay ka Gabriela silang... Bunso, huwag mo na lang pansinin ang mga ingiterang tao o yung mga humahamak sa iyo. Tantaan mo lang, mahaba ang karera ng buhay at ang sinusukat ay kung sino at paano ka magwawagi.

Franc Ramon said...

Di na pinapansin pakialamero at pakialamera at inggitero at inggitera basta ang mahalaga ikaw ay nasa tama. Matatauhan din ang mga yan.

dean gabriel said...

minsan, nakakawa din ang mga taong naiinggit eto ay dahil wala sila ng bagay na nasa yo. insekyur din sila, isang patunay na hindi pa sila nagmamatyur sa lebel na meron sila dapat.

Nova Hedges said...

that's true, jealousy will only brings no good to those who ever felt it...

papaleng said...

Muling dumalaw. Oks lang yan bunso, ang mahirap yung "Bawal ang mamatay, Nakaiingit"

gracia said...

dami talagang mga tao na walang magawa kundi ang mangialam...hay...keep on smiling pa rin dapat :)

Dhemz said...

hahhaa...nakakamatay talaga...kaya wag ma stress at baka mahigh blood...lol!

mhie @ Travelentz said...

marami talaga kahit saan, pero wala akong pakialam sa kanila at lalong wala akong oras sa mga taong naiingit.

Aggie said...

Ang galing naman neto!

Jessica Cassidy said...

Sis, may mga taong ganyan talaga :-( walang matinong magawa sa kanilang buhay kaya naninira ng kawpa tao, basta ba nasa tama ka huwag mo silang pakialam :-) You do not deserve your time, sikat ka kasi pinag-uusapan ka nila :-)

Dez said...

Korek! Dapat maging masaya tayo sa kung anong magandang natamasa ng ating kapwa imbes na mainggit sa kanila.

cheerful said...

hayy, hindi mo talaga masasabi ang takbo ng utak ng isang tao, anyway, korek ka dyan, bawal talaga ang mainggit kasi walang mabuting madudulot yan kahit na kanino...:) dapat laging happy sa aung anong meron tayo...pero sis, deadma mo iyong mga ganyang tao. xx

Shengkay Apuhin said...

korek ka dyan!...nakakamatay talaga...mattaglog blog din pala dito..meron din ako..peo hindi ko pino promote...

emzkie said...

yep! this is all true! pero we are only human, at lahat ito e natural lang. pero ang iba lang kc nakakasakit na. para sa akin, hindi naman masama ang mainggit. ang nakakasama e yung ginagawa pag na iinggit, pag mali na syempre.. mali na talaga. pero meron din naman na good. like pag na iinggit ka na mayaman sya... u will strive harder na magtrabaho para umasenso din. =) i have to be honest, na iinggit ako sa mga umuuwi ng Pinas! wahh tagal ko ng hindi nakakauwi. because of that.. nag iipon ako ng pera para maka uwi. =D

luvnat said...

in this life, marami tlaga inggitera. what we can do is hayaan na lng sila.. as long as they don't harm us :)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...