Thursday, October 6, 2016

Heto na naman tayo...

Pagod na ako.

Yan lang nasa isip ko ngayon. Di ko na maintindihan sarili ko. Nalulungkot ako na galit, sa dahilan na hindi ko naman matukoy. Bes, nakakapraning na!

Siguro masyadong madami lang siguro akong pinoproblema at iniisip. Yung feeling na pasan ko ang daigdig, alam mo yun?  Bipolar ba ako or baka PMS lang 'to? Alam nyo kasi, hindi ko matukoy kung nagpi-PMS na ako... hindi regular ang dalaw ko.

Iritado ako sa halos lahat ng bagay... kahit sa napakaliit na bagay o dahilan. Naiinis na nga ako sa sarili ko eh. Hindi ko maespeling! Sarap tadyakan ng sarili ko, pramis!



Parang may sasabog sa loob ko... parang kunti na lang, isang maling galaw lang, sabog na.

Pagpasensyahan nyo na itong post ko, talagang walang saysay... gusto ko lang mailabas tong nararamdaman ko kahit papano. Haaay! Ang hirap kasi ng wala kang makwentuhan. 

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...