Sunday, July 2, 2017

SOBRA NA BA?

Nahihirapan na ako. Di ko naman kasi inasahan na ganito kahirap eh. Pero kahit sobrang hirap at sakit na, hindi ko kayang bumitaw. Ngayon pa ba? Magtatatlong taon na kami.

Photo not mine. Grabbed from www.ef.com
Pero ang hirap pala pag pakiramdam mong ikaw na lang ang lumalaban para sa relasyon niyo. Yung pakiramdam na unti-unti na siyang lumalayo. Hindi man niya sabihin, pero nararamdaman mo... sa bawat sagot niya, sa bawat sinasabi niya, sa bawat ginagaw niya.
Minsan, tinatanong ko din sarili ko kung sobrang "needy" ko na rin. Baka dahil dun nagsasawa na siya. Ang hirap kasi. Hindi ko maiwasan maging needy, lalo pa't magkalayo kami. Milya-milyang layo.

Sinubukan ko nang hindi magparamdam, baka sakaling ma-miss niya ako at siya yung mag reach out. Pero sa huli, ako lang yata ang nakaka-miss sa kanya. Hindi ko man lang natapos ang tatlong araw na inilaan ko para hindi sana siya kausapin. Isang araw pa lang, bumigay na ako.

Tinanong ko naman siya, sabi niya OK naman kami. Ganun pa rin nararamdaman niya para sa akin, para sa relasyon namin. Kaso, bakit iba yung nararamdaman ko? Nababaliw na ba ako?

Gustong gusto ko na siyang makasama, pero naiintindihan ko na gusto muna niyang mag-ipon at maging stable bago kami lumagay sa tahimik. Pero, hanggang kailan? Hanggang kailan ko kakayaning maghintay?

Hindi naman ako naghahangad ng marangyang buhay. Pero iyon yung gusto niya eh. Gusto ko naman sanang magkasama kami na harapin ang hamon ng buhay. Ayaw ko namang isipin niyang atat na ako. Kaya nahihirapan ako kung saan ko ba ilulugar sarili ko. Ayaw kong magdemand, pero kung hindi ko ipapahayag itong nararamdaman ko, baka buong buhay kong dadalhin 'to at hindi matatapos ang paghihintay ko.

Ang tagal pa ng dalawang taon! Iniisip ko pa lang, naiiyak na ako.

Minsan nga, binibigyan ko na lang ng mga bagay na pinagkakaabalahan ang sarili ko. Kaso, kahit gaano ko pa ka busy, nakakahanap pa rin ako ng pagkakataon na maisip siya at kamustahin siya.

Hindi ko minsan naisip na magiging ganito ako. Mahal ko eh. Anong magagawa ko?

Sobra na nga ba ako? Sobrang pagmamahal at oras na ba ibinibigay ko? Anong dapat kong gawin?

Ang sakit sakit na.

No comments: