Monday, October 22, 2012

Panaginip Lang Pala



Hahayyyyyyyyyy! Ang sarap naman ng tulog ko. Plus, ang ganda din ng napanaginipan ko!  Hay!!! Akala ko totoo na yun!

Kaka-stalk kasi kaya ayun, napanaginipan tuloy. hahahaha! Hindi naman po ako yung isang severe na stalker ha? Patingin-tingin lang sa profile nya, masaya na ako! hahaha.

Sige, iku-kwento ko na yung panaginip ko ha? Wag pong KJ! hehehehehe.



Tawagin nalang natin sya sa pangalang J. hahaha

Ayon sa panaginip ko, pumunta daw si J sa bahay namin at ininvite ako sa party ng little sister nya. Eh since birthday ng sister nya, pumayag naman ako.

So, pagpunta ko dun sa party. Naki- beso-beso naman ako dun sa birthday celebrant. Ewan ko kung bakit. Hindi naman takaga ako nakiki-beso-beso in real life. Awkward yun! hahahaha
So andun na. Having fun kuno ang drama tapos palinga-linga at hinahanap ng aking mga mata si crush. Ayon, nakita ko sya! GRABEEEEE!!! Nakatingin din sya sa akin.

Tapos bigla sya lumapit sa akin. Sa kaloob-looban ko, nagwawala na mga bituka ko. Tapos nag-chikahan kami ng mga kung anu-ano lang. Ang dami nyang jokes. Ako naman panay tawa lang ng tawa parang timang. hahaha

Tapos, out of the blue... tinanong nya ako kung kumusta na ba daw love life ko. Wala na! Halos nararamdaman ko na na kumakalas na sa katawan ko ang mga bituka ko sa sobrang kilig. Hindi ako sumagot. Ngumingit-ngiti lang ako. Tapos bigla niyang sinabing may gusto daw sya sakin. Maygawdddddddddddddd! Tinignan ko sya, ang ganda lang ng pagkakangiti nya sa akin.

Nong magsasalita na sana ako...

Bigla akong nagising kasi nahulog ako sa kama ko! Aray ko naman! Sayang ang moment ko dun!!!! :( Huhuhuhu.
Pinilit kong matulog ulit at nakatulog nga ako. Nanaginip ulit ako pero horror na this time. Hinahabol ako ng mga zombies! :(
Nakakaloka! 

16 comments:

Ria C said...

:) Your dream is quite vivid for you to recall all the details or most of it. Nothing wrong in dreaming about that special someone, dreaming is free :)

papaleng said...

Yes! ako ang unang member ng blog na ito. Tindi naman ng bituka mo girl, napaka-active.. LOL. Next time kapag natulog ka, be sure na naka strap ang mga kamay at paa mo sa bed para hindi bitin ang dream mo kapag nagising ka. Pasalamat ka rin kay God kasi nagising ka pa.

cheerful said...

sis, sayang naman...hindi natapos, was wondering what would be the ending. hehehe! :) sa susunod na mapanaginipan mo ulit sya, sana hindi na mabitin...magtuloy-tuloy ang kwento, hihihi! goodluck sis.

ems vercide said...

You're so funny, little sis! Well, at least kahit sa panaginip man lang ay nakipag sweet-sweetan ka sa kanya!

Dez said...

Ahaha! masarap talga managinip lalo at crush mo ang nandun. :)

Nova Hedges said...

kakakilig ha, sa sobra mong kakaisip nako at yon na naging panaginip mo tuloy sige lang at maganda yon..ang importante masaya ka

Dhemz said...

hhahaha...kakatuwa...I had a good laugh reading this post.

louiseinthehouse said...

Wow sayang, naudlot yung panaginip mo, pero don't worry baka to be continued pa yan. And sana maging totoo in real life **wink**

Anna

United States said...

heheheheh.. sayang panaginip lang pala!

jennyL said...

hahaha.. katawa dream mo pero sayang d totoo harhar.. hehe

Lisa said...

Ay sayang, ganda na sana ng panaginip mo kasi kausap mo na crush mo at sinabi pang gusto ka nya kaso nagising ka dahil nahulog ka. Kaloka! Try mo managinip ulit mamayang gabi baka matuloy na yong kuwento, he-he!

Lainy said...

Naaliw naman ako sa post na eto, Marie. Siguro palagi mo syang iniisip nong gising ka kaya pati sa pagtulog, naiisip mo pa rin sya hehehe.

gracia said...

That was funny, so sad it was just a dream.

RonSilvoza.com said...

hahah... try not thinking about things too much before going to sleep...

though nice yung first part but the last one yung zombies... not good haha..

cheers for sharing! :)

Mommy Pehpot said...

waaah sayang naman! sana man lang naging kayo sa panaginip mo haha

Zoran said...

Wag kasi mang stalk! hahahaha.

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...