Wednesday, October 1, 2014

Likas na Palangiti ang mga Pinoy

Ngayon ko lang napatunayan kung gaano katatag ang pamilyang Filipino. Kahit gaano pa kalaki ang problemang hinaharap natin, kapag kapiling natin ang ating mga pamilya, tila gumagaan ang lahat.

Kakaiba ang pamilyang Filipino, kasi nagagawa pa nating tumawa kahit na may mga mabibigat tayong problemang pilit nating binibigyang solusyon.


Photo grabbed from itsmeiarmie.blogspot.com



Ngiti lang, ngiti lang pag mayroong problema
Ngiti lang, daanin sa ngiti at tawa
Maari ngayon di mo malaman
Ang mga sagot sa mga katanungan
Ngiti lang, maaayos din yan, ngiti lang

Monday, September 1, 2014

Sa Paglipas ng Panahon

Ang bilis ng paglipas ng panahon. Parang kailan lang noong nagsimula akong ibahagi ang buhay ko sa mundo sa pamamagitan ng aking mga blogs. Ngayon, ay pang-limang taon ko na sa mundo ng blogging. Kinse anyos lamang ako ng magsimula akong magsulat ng mga kung anu-ano, ngayon ay bente anyos na ako.

Aaminin ko, may mga pagbabago akong napansin sa sarili ko sa nakalipas na limang taon ng buhay ko. Mga pagbabago sa mga paghahayag ko ng aking mga saloobin, sa aking ugali at sa aking point of view sa buhay. Dati-rati, talagang binabahagi ko lahat ng aking mga nararamdaman sa mga social media at kung anu-anong mapasok sa utak ko. Wala pa sa akin ang kahulugan ng privacy noon kaya share lang ng share ng mga kung anu-ano tungkol sa buhay ko.

Sunday, August 31, 2014

Magulong Pag-iisip

Kumusta kayo? Ngayon lang ako napadalaw sa munti kong blog na ito. Medyo naging busy sa buhay sa labas ng internet. Nandito na naman ako para magbahagi ng aking saloobin at nararamdaman. Panibagong drama na naman!

Wala akong direksyon sa pagsisimula ko habang sinusulat ko ito. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng post na ito. Sadyang magulo lang talaga ang pag-iisip ko ngayon at wala akong mabahagian ng mga nararamdaman at naiisip ko, kaya naisip ko na dito ko na lang ilabas ang kung ano man itong mga tumatakbo sa isip ko. Kaya po sana ay sumakay kayo sa trip kong ito. Nawa ay maintindihan nyo kung ano man ang maisulat ko.


Thursday, July 3, 2014

Wag Abuso!

Naiinis ako! Ang nanay ko ay sadyang napakabuting tao talaga, hindi ako bias dito kasi kahit sino ang tanungin nyo dito sa may amin, halos siguro lahat pinagbigyan ng nanay ko sa tuwing nangangailangan sila. Wala naman akong problema sa pagiging mapag-bigay ng nanay ko, kasi kung meron lang kami, magbibigay naman kami eh.

Napuno lang siguro ako ngayon. Halos araw-araw ko nakikita yung taong to na kung makapambili, akala mo naman wala ng bukas (kung may pera sila) pero kung wala, andun sa bahay... grabe kung maka-puri sa nanay ko, sa akin, sa bahay namin. Hindi sa kung anu-ano man ha, pero halatang ang plastik lang. Pero kung meron silang pera, ni-anino di mo makikita sa bahay namin tapos sisiraan pa kami.

Ngayon mas kumulo ang dugo ko at uminit ulo ko... kasi ultimo kahoy na panggatong, hihiramin daw? Nakakaloka!!! Si mama naman, natural na maawain at matulongin, oo lang ng oo. Kaya umalma na ako! Di ako pumayag na pati kahoy na panggatong ay hihiramin pa. Pinaghirapan yung sibakin ng tatay ko at ibibigay na lang ng basta-basta, tapos pag meron sila, parang wala lang. Dadaan-daanan lang kami dito.

Sinabihan ko rin si Mama na tama na. Nakapagbigay ka na, tama na yun. Wag naman pati mga ganyang bagay ibibigay mo pa. Masasanay yung tao eh. Hiram ng hiram, wala namang trabaho. Nagiging tamad sila! Tama na yung nabigyan natin sila ng bigas at uulamin. Sila na bahala kung paano nila lulutoin yun!

Pasensya na po. Kailangan ko lang tong ilabas kasi ang sakit-sakit na sa dibdib. Sana naman yung mga tao maghanap din ng paraan para mabuhay kasi di naman sa lahat ng panahon makakatulong tayo. Naghihirap din kami. Marami kami kaya sana maintindihan nila.

Kung mayaman lang talaga ako, tutulongan ko lahat hanggang sa makakaya ko. Kaya lang, hindi eh. Yung kita ko, tama lang sa pang araw-araw na gastusin namin. Sana nakikita nila yun o baka sadyang nagbubulag-bulagan lang.

Friday, April 18, 2014

May Pag-asa Pa

Sadyang may mga panahon talaga sa buhay ng isang tao na napapa-isip siya. May mga panahon na punong-puno siya ng kalungkutan, napakaraming mga tanong na naghihintay ng kasagutan. 

Napapa-isip ako, kung wala ang mga isiping ganito, ano kayang klaseng buhay meron ang tao? Posible kaya na mamuhay ang tao na walang problema? 

Thursday, February 13, 2014

Kahapong Nagdaan

May mga kaganapan sa nakaraan mo na gusto mo ng kalimutan, pero kahit anong limut ang gawin mo... sadya talagang bumabalik sila. Ewan ko kung ano bang ibig sabihin ng biglaang paglitaw ng mga alaala sa aking balintataw na ayaw ko naman na maalala pa.

Kung hatid nito ay pasakit lang na kagaya ng nakaraan, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dapat bang harapin ko ito ng buong tapang ngayon dahil dati, ito'y aking tinakbuhan?