Napapa-isip ako, kung wala ang mga isiping ganito, ano kayang klaseng buhay meron ang tao? Posible kaya na mamuhay ang tao na walang problema?
Lahat tayo may kanya-kanyang pinagdadaanang problema. Minsan, naiisip natin wala na itong katapusan. Nawawalan na tayo ng tiwala sa ating mga sarili at kung ano ang kaya nating gawin. Nakakalimutan natin na tayo ay may Diyos na laging handang makinig sa ating mga saloobin, problema, hinanaing at pasasalamat.
Minsan na rin akong nawalan ng tiwala sa aking sarili. Nakalimutan ko na may Diyos. Masyado akong naging negatibo sa lahat ng bagay. Pero, nagising na lang ako isang umaga na umiiyak, puno ang puso ko ng pagpapapsalamat sa Panginoon. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Ang tanging alam ko lang ay nagpapasalamat ako sa Panginoon na ako ay nagising pa at sa lahat-lahat ng magagandang nangyari sa buhay ko.
Puno man ako ng problema, alam ko pansamantala lang ang lahat ng ito. Test of faith lang ito kumbaga. Lahat ng katanungan ay may sagot. Lahat ng kalungkutan ay may katumbas na kasiyahan.
Kung sa tingin mo ay ikaw ay nag-iisa, mali ka. Tandaan mo, palaging nandyan ang Diyos para sa iyo. Huwag mo lamang kalimutang magdasal at makipag-usap sa Kanya. :)
No comments:
Post a Comment