Naiinis ako! Ang nanay ko ay sadyang napakabuting tao talaga, hindi ako bias dito kasi kahit sino ang tanungin nyo dito sa may amin, halos siguro lahat pinagbigyan ng nanay ko sa tuwing nangangailangan sila. Wala naman akong problema sa pagiging mapag-bigay ng nanay ko, kasi kung meron lang kami, magbibigay naman kami eh.
Napuno lang siguro ako ngayon. Halos araw-araw ko nakikita yung taong to na kung makapambili, akala mo naman wala ng bukas (kung may pera sila) pero kung wala, andun sa bahay... grabe kung maka-puri sa nanay ko, sa akin, sa bahay namin. Hindi sa kung anu-ano man ha, pero halatang ang plastik lang. Pero kung meron silang pera, ni-anino di mo makikita sa bahay namin tapos sisiraan pa kami.
Ngayon mas kumulo ang dugo ko at uminit ulo ko... kasi ultimo kahoy na panggatong, hihiramin daw? Nakakaloka!!! Si mama naman, natural na maawain at matulongin, oo lang ng oo. Kaya umalma na ako! Di ako pumayag na pati kahoy na panggatong ay hihiramin pa. Pinaghirapan yung sibakin ng tatay ko at ibibigay na lang ng basta-basta, tapos pag meron sila, parang wala lang. Dadaan-daanan lang kami dito.
Sinabihan ko rin si Mama na tama na. Nakapagbigay ka na, tama na yun. Wag naman pati mga ganyang bagay ibibigay mo pa. Masasanay yung tao eh. Hiram ng hiram, wala namang trabaho. Nagiging tamad sila! Tama na yung nabigyan natin sila ng bigas at uulamin. Sila na bahala kung paano nila lulutoin yun!
Pasensya na po. Kailangan ko lang tong ilabas kasi ang sakit-sakit na sa dibdib. Sana naman yung mga tao maghanap din ng paraan para mabuhay kasi di naman sa lahat ng panahon makakatulong tayo. Naghihirap din kami. Marami kami kaya sana maintindihan nila.
Kung mayaman lang talaga ako, tutulongan ko lahat hanggang sa makakaya ko. Kaya lang, hindi eh. Yung kita ko, tama lang sa pang araw-araw na gastusin namin. Sana nakikita nila yun o baka sadyang nagbubulag-bulagan lang.
No comments:
Post a Comment