Wednesday, October 1, 2014

Likas na Palangiti ang mga Pinoy

Ngayon ko lang napatunayan kung gaano katatag ang pamilyang Filipino. Kahit gaano pa kalaki ang problemang hinaharap natin, kapag kapiling natin ang ating mga pamilya, tila gumagaan ang lahat.

Kakaiba ang pamilyang Filipino, kasi nagagawa pa nating tumawa kahit na may mga mabibigat tayong problemang pilit nating binibigyang solusyon.


Photo grabbed from itsmeiarmie.blogspot.com



Ngiti lang, ngiti lang pag mayroong problema
Ngiti lang, daanin sa ngiti at tawa
Maari ngayon di mo malaman
Ang mga sagot sa mga katanungan
Ngiti lang, maaayos din yan, ngiti lang

Laking pasasalamat ko sa mga magulang ko kasi hindi sila nagsasawang makinig sa mga problema ko at sabi pa ng tatay ko, kung pwede nga lang daw na siya na lang mamroblema sa problema ko para magka peace of mind daw ako.

Ngiti lang, pag may araw at biglang umulan
Hintay lang, tingnan mo magsasawa rin yan
Maari ngayo’y todo buhos ulan
Pagmasdan mga ulap ay mag-uurungan
Ngiti lang, maaayos din yan ngiti lang

Ganoon pa man, alam ko apektado na rin sila sa pinagdadaanan ko. Pero, nagagawa pa ng tatay kong mag joke kahit waley pero nakakatawa. Ang nanay ko naman, tawa ng tawa kaya kahit papano ay napapatawa na rin ako. Napansin ko rin na kahit gaano kabigat ang isang problema kung tatawanan mo lang ito, gagaan ang iyong pakiramdam at tila magbibigay ito ng lakas sa iyo para matapos na ang pinoproblema mo.

Proud ako maging isang Filipina at mapabilang sa isang masayahin at matatag na pamilyang Filipino. Kaya natin yan! Wag kang sumuko, kaibigan! :)

4 comments:

Nova said...

I could agree with you more on this, no matter what and where even when we have the biggest problem on earth, we intend to smile and tries to forget those problems even for a little while.

jo said...

That's so true! I myself looks like a smiling person everytime. I don't realize it but they ask why am I smiling. I am not!!! I think the joy I have inside can't be contained so it is unconsciously released by smiling?! LOL!

Unknown said...

This is so true! Kahit saan ka man, nakangiti parati ang pinoy maski may problema. And parents indeed would rather suffer and bear their children's problems.

Chubskulit Rose said...

Totoo yan sistah, mas matatag ang mga pinoy when it comes to dealing with life. Sanay kasi tayo eh.