Kumusta kayo? Ngayon lang ako napadalaw sa munti kong blog na ito. Medyo naging busy sa buhay sa labas ng internet. Nandito na naman ako para magbahagi ng aking saloobin at nararamdaman. Panibagong drama na naman!
Wala akong direksyon sa pagsisimula ko habang sinusulat ko ito. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng post na ito. Sadyang magulo lang talaga ang pag-iisip ko ngayon at wala akong mabahagian ng mga nararamdaman at naiisip ko, kaya naisip ko na dito ko na lang ilabas ang kung ano man itong mga tumatakbo sa isip ko. Kaya po sana ay sumakay kayo sa trip kong ito. Nawa ay maintindihan nyo kung ano man ang maisulat ko.
Naisip ko, ang hirap palang mamuhay sa mundo ng mga matatanda. Sana, kung pwede lang, maging bata ulit ako. Pero napaka-imposible non diba? Kaya naman kailangan talagang matutong mamuhay at mag-isip na kagaya ng isang matanda.
Minsan naman, pakiramdam ko, nasasakal ako sa sarili kong mundo. Yung pakiramdam na di ka makagalaw dahil ang dami mong responsibilidad. Hindi naman ako nagrereklamo, actually mas nagpapasalamat ako na nabigyan ako ng pagkakataon na maging isang mabuting anak sa mga magulang ko at maging isang modelo sa paningin ng mga nakababata kong kapatid. Masaya akong marinig mula sa kanila kung gaano sila nagpapasalamat na hindi ako sakit ng ulo at kung gaano ako nakakatulong sa kanila. Grabe! Di ko maipaliwanag ang aking damdamin noong narinig ko mula sa ama ko ang mga salitang yan. Kaso nga lang, may mga panahong kagaya nito na di ko maiwasang nakakulong ako sa sariling mundo na ginusto kong pasukin noon at ngayon ay nasimulan ko na.
Dati-rati, nakikita ko ang mga kaibigan kong malayang nakakalabas, nag-i-enjoy, ini-enjoy ang teenage life nila. Lakwatsa dito, lakwatsa doon. Party kung saan-saan. Aaminin ko, oo, naiinggit ako. Kasi ako, wala akong kalayaang gawin ang mga iyon. Di ko maatim na magpakasaya habang ang isang sulok ng utak ko nasa pamilya ko. Oo nga, nag-enjoy sila. May mga memorya silang madadala sa pagtanda nila na alam kong di ako magkakaroon sa ngayon (hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging bilanggo sa sarili ko), pero natanong ko sa sarili ko... Magagawa kaya nila ang mga nagawa ko para sa pamilya ko? Magagawa kaya nilang itapon ang teenage life nila para mapagsilbihan ang pamilya nila? Kasi ako, alam kong lagpas na ako sa teenage life na tinatawag na yan. Masaya naman ako sa mga narating at naibigay ko na sa pamilya ko, sadyang may bahagi lang ng puso ko na parang may hinahanap, kung ano iyon? Wala akong alam.
Minsan, naiisip at natatanong ko sa sarili ko; kung naging pabaya at naging free-spirited na anak ako sa mga magulang ko... ano kaya ako ngayon? Ano kaya ang iisipin nila, sakit kaya ako ng ulo? Magiging masaya kaya sila kung ano ang kahahantungan ko sa buhay kagaya ng pagiging masaya nila ngayon? Ewan ko! Hindi ko pa rin masagot yan.
May mga pagkakataong umiiyak ako ng walang dahilan. Bipolar kaya ako or sadyang baliw lang talaga? Gusto kong mag-enjoy! Gusto kung makaranas ng mga bagay-bagay kasi sabi nga nila YOLO (You Only Live Once), pero di ko kayang magpabaya. Bakit ganun? Di ko rin alam.
Sabi ko sa sarili ko, baka maging matandang dalaga ako kung di man lang ako mag-i-enjoy. Natatakot ako sa isiping iyan. Natatakot akong mag-isa pagdating ng panahon. Natatakot ako na baka dumating ang panahon na wala na ang mga magulang ko at ang mga kapatid ko naman ay may mga kanya-kanyang buhay na, ako na lang ang maiiwang mag-isa.
Minsan nga, may mga pagkakataong lumalabas ako at minsan natatakot akong makipaghalubilo sa mga tao. Di ako makatingin ng diretso sa kanila, at minsan kinakabahan pa ako ng walang dahilan. Ganito na ba ako ka-isolated? Bakit ko pinabayaan ang sarili ko na maging ganito?
As much as I want to enjoy my life, di ko magawa. Kasi madami akong goals, madami akong plano hindi lang para sa sarili ko kundi pati na rin sa pamilya ko. Big time and long term goals!
Ang saklap no? Kasi alam ko ako lang din naman ang may gawa nito sa sarili ko at kahit gustohin ko man na may sisihin sa kinahantungan kong ito, wala eh.
Hindi ako tumitigil sa pagdadasal na balang araw, iisa-isahin ng Diyos ang pagbigay ng mga kasagutan sa mga tanong ko. Hindi ko kinukuwestiyon ang mga plano Niya sa buhay ko. Tinatanggap ko lahat ito kahit gaano man kahirap. Ang tanging hinhiling ko lang ay bigyan Niya pa ako ng lakas ng loob na harapin ang lahat ng kung anuman ang nasa daraanan ko.
Kung ikaw na nagbabasa nito at hindi ka naka-relate... Maswerte ka kasi hindi ka nakakulong sa sarili mo. Malaya ka! Kaya magpasalamat ka. Ang swerte mo. Naiinggit ako sayo! Mamuhay ka ng maayos. Magpasalamat ka sa lahat ng tao na nasa paligid mo at sinusuportahan ang bawat desisyon mo. Mga desisyon na ikaw mismo ang gumawa. Maswerte ka kasi walang magulong pag-iisip na meron ako. Yung tipong hindi ka makatulog sa gabi kasi kung anu-ano ang pumapasok sa isip mo na hindi mo naman maintindihan! Kapatid, maswerte ka. Buhay ka. Magpasalamat ka sa Ama na may likha ng lahat! :)
Sana po ay kahit kaunti ay may naintindihan kayo sa mga pinagsasabi ko sa post na ito. Hinayaan ko lang na dumaloy ang bawat salita na aking naisulat dito mula sa aking isipan. Hindi ko na inintindi ang pagkakahanay nila.. Basta't kahit kaunti ay nailabas ko ang saloobin ko.
Maraming salamat po sa pagbabasa!
- Marie
5 comments:
minsan kasi dapat nating ipalabas lahat ng nasa loobin natin para mawala lahat ng ito after nating maipalabas.
I was once there in your position but sige lang, habang kaya. Biyaya ang kapali-t ng mga mapagbigay.
nagdaan din ako riyan bunso. At ano ang maipapayo ko sa iyo. Kung ang sariling lakas at kakayahan natin ang ating aasahan, so sure ma-frustrate tayo. Bakit, kasi mayrooon tayong LIMITATION. Pero ilapit mo sa Diyos yang mga agam-agam mo sa buhay at hayaan mo siyang maging driver ng buhay mo . Sigurado akong magkakaroon ka ng kapayapaan sa puso. Isa pa, ang mga pagsubok sa buhay maaring bigay ng Diyos para subukan ang iyong pananampalataya. Sa totoo lang naguguluhan din ako sa buhay mo. Kung ako lang ang masusunod, DAPAT lang na tapusin mo ang iyong pag-aaral.
Hehehehe! "Sana maging bata uli ako." Nothing bad with that if it's what you really want. ^_^
Marie, I have been in those shoes. Hanggang ngayon nga, wala pa din akong karapatan mag happy-happy dahil nag aaral pa yung mga anak ko. At hindi biro ang magpa-aral ng dalawang anak ng college ng sabay. Kahit sarili kong sweldo, hindi ko ma-enjoy dahil alam kong meron dapat pagkagastusan na mas mahalaga. Wag ka malungkot, kasi yung mga sacrifices mo ay mapapalitan din ng fulfillment sa buhay. Sabi ko nga minsan sa sarili ko, "wala man dito sa lupa ang biyaya, nasa langit ang walang hanggang biyaya." Ako din, naiinggit sa mga tao na may oras pang mag good time. Ako, everyday ganito - trabaho > bahay > palengke > grocery > luto > ligpit > tulog konti > trabaho ulet. At least kahit konti, meron pa din akong life-work balance. Ipag-pray kita na sana malagpasan mo yang depression mo. Tip ko lang sayo, if you have the time, look at the sunrise. Nakaka-relieve ng stress. Chaka dun mo mafe-feel na mabait ang Diyos at binigyan ka ulet ng isang bagong araw para maging masaya. Smile! Life is still good.
Post a Comment