Pag may problema ako, sinusubokan ko talagang wag ng ipaalam sa pamilya ko. Ayaw kong mamroblema sila. Nagta-trabaho nga ako para mabawasan ang problema (a.ka. kahirapan) ng mga magulang ko. Ipinangako ko na rin yan sa sarili ko simula noong nagtapos ako ng hayskul, na magsisikap ako mai-angat sa buhay ang pamilya ko.
![]() |
Imahe mula sa inspirably.com |
Pero minsan talaga hindi ko maiwasang mailabas yung mga itinatago kong emosyon. Kahit anong pigil ko, naapektuhan pa rin talaga ang pamilya ko. Minsan kasi, habang nagtatrabaho ako, tutok na tutok ako sa ginagawa ko tapos bigla mag-iingay ang mga bata, di ko maiwasan magalit sa kanila at mag-aaway-away na.
At ayun, napapansin agad nila Mama at Papa na may problema nga. Wala naman akong naitatago sa kanila eh, masyado akong transparent sa kanila.
Magulo at masaya ang pamilya namin. Magulo, kasi madaming bata. Masaya, kasi kahit sa simpleng mga bagay ginagawa naming katatawanan at madaming bata. Hahaha.
![]() |
Ang pamilya ko |
Marami pang pagsubok ang pagdaraanan natin sa buhay kaya kapit lang, magtiwala at magdasal, at huwag kalimutang may pamilya kang matatakbuhan.
Salamat Panginoon sa lahat-lahat. ♥
4 comments:
paano ko kaya ita-translate and very well said and expressed. hehehe. ang hirap pala mag-blog ng purong tagalog ano?
Ganyan din ang pamilya na kinalakihan ko. Walang seryoso, puro comedy. Gayun pa man, sang-ayon ako sa sinabi mo na sila ang mga taong sumama sa hirap at ginhawa. Isang kang ulirang ehemplo ng isang taong 'walang flexibility'. May ganoon!
Life is too short not to be adored Sis Marie. I learned the quote from the latest book I read. Problems are always a part of our lives. I hope that the following months are a lot better for you. Spending time with our family is the best remedy especially if we are having fun especially if money is not involve.
I guess it's what life is all about, crazy and funny..
Post a Comment