Wednesday, November 2, 2016

Ang Hirap Mag-budget

Halos mag-iisang taon na akong namumuhay mag-isa. Hindi naman ako maluhong tao, pero sinusuportahan ko ang pamilya ko at ako lang ang inaasahan.

Hindi steady ang income ko. Minsan malaki ang kinikita ko sa isang buwan, minsan naman mababa. Kapag nagkaganoon, napipilitan akong manghiram ng pera sa mga kakilala ko para lang may maibigay ako sa pamilya ko. Kahit nga wala ng para sa akin ay ayos lang, basta mayroong para sa kanila.

Kaso minsan, nahihirapan na talaga ako. Ang hirap-hirap talaga mag-budget, lalo na't sapat lang ang kinikita mo.

Minsan naiisip ko, kung ako lang siguro mag-isa, sapat na ang kinikita ko - may sobra pa nga eh. Pero hindi ko naman magawang bale-walain ang pamilya ko. Mahihirapan siguro ako sa pag tulog sa kagabi kung ganoon. Iba kasi yung fulfillment na nararamdaman ko tuwing nakakapagbigay ako sa mga pangangailangan nila.

Pero aware ako sa mga opinyon ng mga kakilala ko tungkol sa sitwasyon ko. May nagsasabi na sinasanay ko daw ang pamilya ko na maging tamad at naghihintay na lang kung kailan ako mag-aabot sa kanila. May nagsasabi naman na tungkulin ko ang magbigay sa pamilya ko. Minsan hindi ko na alam kung ano ang paniniwalaan ko.

Aaminin ko, minsan may mga gusto din akong bilhin para sa sarili ko pero sinasakripisyo ko na lang para malaki-laki ang maibigay ko sa pamilya ko. Minsan naisip ko rin, kung may katuwang lang siguro ako sa paghahanapbuhay o kahati man lang sa gastusin ng pamilya ko, medyo magaan-gaan siguro ang sitwasyon at damdamin ko ngayon.

Napapaisip tuloy ako. Kung ako magkakaroon ng sarili kong pamilya, sisiguradohin ko na may pangtustos ako sa pangangailangan ng sarili kong pamilya at hindi na aasa pa kaninuman. Sisigurohin ko rin na hindi ako magkakaroon ng malaking pamilya kung alam ko na hindi ko kakayanin ang gastos.

Sa ngayon, nag-iisip ako ng mga ideya na magbibigay sa akin ng karagdagang kita para mas guminhawa ang sitwasyon naming lahat. Tiis-tiis muna tayo ngayon dahil mahigpit ang sinturon.

Paano kayo mag-budget?

5 comments:

Maria Teresa Figuerres said...

It's part of our Pinoy culture to help our extended families. Even up to now that I have a family of my own, I still extend support to my parents. It's really hard especially when you yourself are in need of financial resources, but you have to prioritize sometimes.

papaleng said...

Isa kang ulirang anak, bunso. I disagree with some of your friends stating, sinasanay mong maging tamad ang magulang. I do believe ginagawa rin nila ang part nila. Bunso, one piece of advice, you shoe learn to know money management and whose the best teacher, not me, dahil ala naman akong pera but GOD

RC said...

kung meron extra, pwede magbigay. pero kung wala na, di mo kailangan ma guilty. just think of it this way...what if it's the other way around, do you think they would do the same for you? if the answer is yes, go ahead. if you have doubts, better cut the strings.

Nova said...

nako napakahirap talagang mag budget dahil ikaw lahat mag problema sa lahat nga bills na babayaran at dapat meron pang matirang pero para sa susunod na week. I'm sure you can do it and with the help of savings and earning sideline you'll come up with it.

Chubskulit Rose said...

I have known you through your blog kaya naiintindihan ko nararamdaman mo. Mahirap talaga pag kelangan ng pamilya kaya lang kailangan mo dn isipin mo ang sarili mo. In my case, pag kaya ko ang tulungan family ko saka lang ako nagbibigay and sometimes they don't understand but there's nothing really I can do.