Bilang anak,tanging hangad ko lamang para sa aking mga magulang ay mamuhay ng tahimik at maligaya. Kaya nagsumikap ako. Nagtrabaho ng biente kwatro oras para kahit papano, masuklian ko ang kanilang pagpapalaki at pagmamahal sa akin. At sa awa naman ng Diyos ay may mga naipundar naman ako kahit papano.
Alam niyo iyong pakiramdam na makita silang masaya sa lahat ng binigay mo? Mapa-materyal man o hindi, masaya sila. Yung puso ko, parang di maihing pusa sa tuwa. Rewarding masyado!
Pero, may mga panahon talagang may mga pagsubok na dumadaan o nangyayari. Masakit mang isipin at gawin, yung mga bagay na unti-unti kung naipundar ay unti-unti ring naisasangla. Totoo po.
Naisangla ko na yung cellphone, kamera, tablet, laptop at kung anu-ano pa. Nagsimula lahat ng ito noong nagkasakit ang kapatid ko. Kaya sinabi ko na lang sa sarili ko, hangga't may trabaho ako, makukuha ko ulit lahat yun.
Minsan kasi, yung mga problema namin sa bahay, sumusulpot kapag malayo pa ang araw ng sahud ko. Eh sa wala naman akong ibang mapagkuhanan ng pera kapag ganyan, eh di wala akong ibang choice kundi isakripisyo muna ang mga sariling kaligayahan ko.
Pero sa awa naman ng Diyos at binigyan Niya pa ako ng malakas na katawan kaya heto at nagtatrabaho na naman ulit ako at unti-unti ko na ring nababawi ang mga gamit ko.
Basta usapang pamilya, handa akong isakripisyo anumang meron ako para sa kanila.. Labag man sa loob kung isanla ang mga iyon dati, pero ngayon... tanging kaligayahan at kaginhawaan lang ang hangad ko sa kanila.
Di ko rin kasi maiwasang maging mahina at maging emosyonal kapag nakikita ko silang problemado.. Anak lang ako. Tao lang ako. Nasasaktan at nakakaramdam.
Laking pasasalamat ko sa Diyos talaga na binigyan pa Niya ako ng pagkakataong mabuhay at mapagsilbihan ang mga mahal ko sa buhay. ♥
9 comments:
Yes, it really is wonderful and full of tenderness. A greeting.
I have always admired you for always being there for your family, Marie. You're a young woman but you were able to do things that most women your age haven't done so hands down to that.
Stay sweet!
you are making me teary eyed here Rie, I admire your heart for that love you give to your family, God bless you always, and may you always have the strength, the health to go on. May your family be always in good health too.
Pagpalain ka nawa ng Poong maykapal sa mapagmahal mong puso, kapatid...
ang bait bait bait bait mo...sana dumami pa ang katulad mo...huwag kang mag alala, isang araw magtatagumpay ka, kase busilak ang puso mo...ipagdadasal ko na sana lagi kang malusog at sana maging maayos na maayos ang iyong mga kapamilya para hindi ka na malulungkot kailan man...tagahanga mo ako :)
You're such a great kid iha. God bless you for being a loving and caring kid.
Sana mas maging malakas ka pa sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay. Di lahat ng panahon ay malungkot, darating din ang saya at liwanag.
Anna
Isa kang tunay na mapagmahal na anak. Nawa'y dumami pa ang lahi mo bunso.
hardships do come with favorable rewards in the end. i admire your love for your parents po.
cheers to your parents for having you. :)
Post a Comment