Tuesday, August 29, 2023

Salamat sa Buhay Mo

Matagal-tagal na rin pala ang huling entry ko sa blog na ito. Na-miss kong mag sulat. Ang daming nangyari... 

Sinimulan ko ang blog na ito para magkaroon ako ng outlet kung saan pwede kong isulat ang mga bagay-bagay, suhestiyon na rin ito ng namayapa kong Briton na amo. Sabi niya, therapeutic daw ito. Totoo naman.

Ang bata-bata ko pa... Natatawa at nahihiya ako sa mga naisulat ko dito. Kung anu-ano nalang pala talaga. 🤣

Nabanggit ko nga na ang daming nangyari sa buhay ko nitong mga nakaraang taon. Alam ko kayo din, lalo na nitong nakalipas na tatlong taon. 


Tuesday, October 30, 2018

Paano Ba?

Ang hirap-hirap gampanan ang papel ng isang magulang. Hindi ko na alam kung saan ko pa hinuhugot tong lakas ko ngayon. Ilang taon na rin na ako ang tumatayong magulang ng mga kapatid ko, at akala ko masasanay ako sa ingay, iyakan, awayan, at lahat ng drama. Pero hindi. Mas humihirap siya habang tumatagal.

Ginagawa ko naman lahat. Kinakaya ko naman lahat. Pero bakit ganun? Parang wala pa ring pagbabago. Hindi na matapos-tapos ang gulo.

Tao lang din ako. May hangganan. Punong-puno na ako. Di ko na alam ano pang gagawin ko para mapalaking maayos ang mga kapatid ko.

Darna, paano ba? Pahiram naman ng bato mo. Baka sakaling kayanin ko ang mga parating pang taon sa buhay ko.

Sunday, September 16, 2018

Hindi Ko na Kaya

Ang bigat na, ang sakit-sakit na! Saan ba ako nagkulang? Binigay ko naman lahat. Lahat-lahat! Pucha, kulang pa rin ba? Ubos na ubos na ako eh!

Hindi ko na alam kung hanggang saan pa ang kaya ko. Ramdam kong kunting-kunti na lang, mapuputol na 'tong pisi ko.

Sa sobrang pagmamahal ko sa inyo, lumalaki na mga ulo niyo. Kailangan ko na yata kayong tikisin, kahit mahirap sa loob ko. Kahit gusto ko ibigay mga gusto niyo. Pero sobra na kasi eh. Ako na nahihirapan!

Tangina! Bakit ba umabot sa ganito? :'(

Wednesday, June 6, 2018

Nahihirapan Pero Lumalaban

Ang tagal ko na palang hindi nakakapagsulat dito. Ewan ko ba, wala talaga akong ganang magsulat nitong nakaraan. Ang dami kong planong isulat pero pag sinusubukan ko nang magsulat, parang bulang naglalaho lang ang mga saloobin na gusto kong isulat.

Nahihirapan na ako sa buhay ko. Ang dami-dami kong problema, ang dami-daming trahedya ang nangyayari sa pamilya ko. Pero kahit pa ganoon ay pilit pa rin akong nagpapakatatag para sa pamilya ko. Lumalaban kahit lugmok na lugmok na.

Ngingiti-ngiti ako sa harap nila, pero pag ako nalang mag-isa, nag-uunahan sa pagdaloy ang aking mga luha.


Wednesday, September 20, 2017

Hinga-hinga din!

Ang tagal ko nang nagtatrabaho pero ngayon ko lang naisip na kailangan ko ding huminga, na kailangan ko ding i-enjoy ang buhay ko habang kaya ko pa gumagala.

It’s also a good opportunity to get new ideas, to see new places, meet new people – kahit tatlong araw lang. Tatlong araw lang na pahinga. Tatlong araw na pagliliwaliw at paglibang sa sarili. Tatlong araw na pag limot sa problema.

Sa loob ng tatlong araw na ito, gusto kong kumain ng masarap na pagkain. Gusto kong pumunta sa mga lugar na hindi ako pamilyar (pero safe, syempre). Pero gusto ko din magmukmok sa loob ng hotel room. Ang gulo ko, diba?

Pero sa totoo lang, gusto ko lang lumayo kahit sandali.
Next week na pala ang gala ko. Balitaan ko kayo soon.

Monday, August 14, 2017

Ayaw mo na ba?

Mahal ko, bakit nararamdaman kong lumalayo na ang loob mo sa akin? Ayaw mo na ba? Pagod ka na ba? Nagsasawa ka na ba?

Sabihin mo naman. Pagod na akong magpakatanga. Mahal mo pa ako o hindi na. Yun lang yun.
Kahit sabihin mo pang mahal mo pa rin ako at masaya ka pa rin sa akin, iba ang ipinaparamdam mo sa akin.



Namimiss ko na ang dating ikaw. Ang dating tayo. Saan na ba napunta yun? Please lang, kung ayaw mo na talaga. Sabihin mo lang, huwag mo na akong paasahin pa. Pagod na kasi ako na ako na lang palagi umiintindi, ako na lang palagi nage-effort para lang magkausap tayo.

Mahal kita. Walang duda yun! Kaya kung sabihin mo mang ayaw mo na, matatanggap ko yun. Kasi nga mahal kita at kahit masakit, papalayain kita.

Sunday, July 2, 2017

SOBRA NA BA?

Nahihirapan na ako. Di ko naman kasi inasahan na ganito kahirap eh. Pero kahit sobrang hirap at sakit na, hindi ko kayang bumitaw. Ngayon pa ba? Magtatatlong taon na kami.

Photo not mine. Grabbed from www.ef.com
Pero ang hirap pala pag pakiramdam mong ikaw na lang ang lumalaban para sa relasyon niyo. Yung pakiramdam na unti-unti na siyang lumalayo. Hindi man niya sabihin, pero nararamdaman mo... sa bawat sagot niya, sa bawat sinasabi niya, sa bawat ginagaw niya.