Napapansin ko lang kung gaano na ako kaiba mag-isip ngayon kumpara noong isang taon. Dati, pag nagka pera waldas agad. Ngayon, pag dumating ang sahud, sampung porsyento ng kita ko inilalagay ko sa savings tapos yung natira pinaghahatian na sa mga bills, tuition, mga utang, pang araw-araw na gastos at iba pa.
Monday, March 16, 2015
Wednesday, February 25, 2015
Salamat Panginoon!
Medyo hindi naging maganda ang mga nakaraang araw ko, pero ngayon, kahit may kunting problema pa rin, nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi tinupad Niya ang isa sa mga dasal ko.
Medyo nagkalamat kasi ang relasyon namin at ng mga kapatid ng Mama ko. Halos dalawang taon din na wala kaming kibuan, ni kahit sa Facebook man lang. Pero ngayon, pakiramdam ko, simula na ang pagbabalik ng dating magandang samahan naming lahat.
Ngayon lang kasi uli nag reach out sa akin ang mga nakababata kong mga pinsan. Ang sarap lang sa pakiramdam na marinig uli mula sa kanila na tinatawag nila akong 'ate'. Maliban kasi sa mga kapatid ko, sanay akong halos lahat tinatawag akong ate.
Litratong kuha noong 2013 habang nanonood ng pelikula ang mga pinsan ko. |
Monday, February 9, 2015
Medyo Magulo na Masaya
Grabe! Medyo nagulat ako sa simula ng taong ito. Sobra-sobrang problema ang hinarap at haharapin ko, at take note, Pebrero pa lang ngayon. Mukhang magiging puno ng hamon ang taon na ito para sa akin.
Pag may problema ako, sinusubokan ko talagang wag ng ipaalam sa pamilya ko. Ayaw kong mamroblema sila. Nagta-trabaho nga ako para mabawasan ang problema (a.ka. kahirapan) ng mga magulang ko. Ipinangako ko na rin yan sa sarili ko simula noong nagtapos ako ng hayskul, na magsisikap ako mai-angat sa buhay ang pamilya ko.

Imahe mula sa inspirably.com |
Subscribe to:
Posts (Atom)