Kumusta kayong lahat? Na-miss ko ang lugar na ito kung saan malaya akong isulat ang nararamdaman ko sa sarili kong wika. Nakaka-istress magsalita ng Ingles, lalo pa't nararamdaman mong may mali sa grammar mo. Hahaha. Pagbigyan nyo na ako. Hindi pa naman talaga ako masyadong perfekto pagdating sa Ingles eh pero naiintindihan niyo naman kahit papano ang baluktot kong Ingles, hindi ba? :) Mas masarap pa rin talagang magsulat at magsalit sa sarili nating wika. Hindi mo na kailangang mag-isip pa kung ano ba ang tamang salita.
Ako ngayon ay kasalukuyang nasa isang misyon. Hindi ko na lamang babanggitin kung tungkol saan at ano itong ginagawa ko. Gusto ko lang magpahayag ng aking nararamdaman dito tungkol sa mga nangyari sa akin sa mga nagdaang buwan.
Sa mga nagdaang buwan, katakot -takot na mga pangyayari ang naganap sa aking pamilya. Kami ay sinubok, nagkamali at hinusgahan ng mga taong akala namin ay papanig sa amin sa kahit ano pa man ang manhgyari. Masakit isipin na ang mga taong minahal, pinahalagahan at pinagkatiwalaan mo ay tatalikuran ka na lamang basta-basta dahil nagkamali ka.
Masakit, pero kailangan ipagpatuloy namin ang aming mga buhay. Bumangon, umalis at nagpakalayo-layo na naman kami. Pinilit kalimutan ang mga masasakit na alaala. Pilit kinakalimutan ang mga masasakit na salitang binitawan ng aming mga mahal sa buhay tungkol sa amin. Ang aming mga diwa ay pilit nagtutulog-tulogan at wari'y magpasa-hanggang ngayon ay tila inaantok pa rin. Parang isang masamang panaginip lamang ang nangyari.
Ipinapagsa-Diyos ko na lamang ang lahat. Alam kong darating ang araw na babangon ako't mararamdaman ko na lang na ayos na ang lahat. Kung kami man ay nagkamali, sana... kami'y mapatawad ng mga taong iyon.
No comments:
Post a Comment