Thursday, October 10, 2013

Minamahal o Kinakainisan Ba si Papa Jack?

Kilala nyo ba si Papa Jack? Siya yung sikat na DJ sa Love Radio na ume-ere tuwing alas nuwebe ng gabi hanggang alas dos o alas tres yata.

photo credits: starmometer.com
Siya si Papa Jack. Actually, noong una di ko talaga siya kilala or ano ginagawa niya. Basta ang alam ko may Papa Jack na nag-eexist sa internet. Nagpa-follow kaya ako ng Papa Jack Advices at Papa Jack Quotes sa Twitter.

Nakilala ko lang siya at ano ang ginagawa niya last month ng na-open ko yung FM radio ng cellphone ko na tune in nga sa frequency ng stasyon nila.

Ano ba ginagawa niya? DJ nga siya, diba? Hahaha. Sinagot ko lang ang sarili kong tanong. Bungol! hahaha. Seryoso, DJ po si Papa Jack at magaling siyang magbigay ng advice sa mga callers niya. Para siyang doctor love.


Yun nga lang, hindi siya nagsyo-sugarcoat ng advice niya. Hindi siya bias. Hindi niya kinakampihan ang caller niya. Kinakampihan niya yung sa tingin niya ang tama. Matalino si Papa Jack. Yan yung unang napansin ko talaga sa kanya. Nagsasalita ka pa lang, alam na agad niya na mahiyain, mayabang o bungol ka. Kung mali ka, mali ka talaga. Naninigaw si Papa Jack sa radyo kung sa tingin niya tanga ka na kausap. Gusto niya magising ka sa panaginip mo.

May kaibigan ako, tinanong ko siya kung nakikinig siya kay Papa Jack... sabi niya, dati daw. Sabi ko naman, "bakit di ka na nakikinig ngayon?" Sabi niya naman, "eh praning yang si Papa Jack eh. Tumatawag nga yung mga tao para huminge ng opinyon sa kanya, pinapagalitan at sinisigawan niya naman." Sinagot ko naman siya, "Ayos nga siya eh. Totoo siya. Pinapagalitan niya yung mga taong mali na yung ginagawa dahil sa pag-ibig para magising ang mga ito."

Naging debate namin yun. Hahaha! Hanggang ngayon, ayaw niya pa rin kay Papa Jack. Ako naman, patuloy pa ring nakikinig kay Papa Jack. Alam nyong, minsan nakaka-relate ka sa mga tumatawag at inaabangan mo kung ano yung sasabihin ni Papa Jack tungkol sa sitwasyon mo. Tapos pag nasabi niya na ang opinyon niya, galit man siya o hindi, nasabi mo sa sarili mo na "Oo nga. Tama nga si Papa Jack." Yun! Nagising ka sa sariling kahibangan mo.

Nakakatawa din si Papa Jack. Yung tipong masakit na masakit na ang tiyan mo kakatawa tapos ikaw lang mag-isa sa bahay. Kagaya ko, nong nasa probinsya pa ako, nasa itaas ako ng bahay namin, naka-earphone, nakikinig sa FM tapos bigla-bigla, hahagalpak ako ng tawa. Aakyat yung Papa ko, nag-aalala yung hitsura tapos nong nakita niyang naka earphone ako, bigla ba namang sinabing "Akala ko sinapian ka na. Kadugayan, mabuang ka anang imung Papa Jack diha." Bang! Hahahaha.

Pero, di maiiwasan talaga na may magalit at magmahal kay Papa Jack. Di naman kasi lahat magkapareho ng mindset eh. Nasa sa tao yan kung pano nila intindihin.

Basta para sa akin, OKAY KA, PAPA JACK! :)

No comments: