Photo grabbed from uwb2ms.blogspot.com |
Si Tatay ay hindi na nakakakita at akay-akay siya ni Nanay sa araw-araw na kanilang paglalakad sa mga kalsada doon sa Cebu. Nahabag ako sa aking nakita na pinapainum ni Nanay si Tatay ng kanilang baong tubig at gusto pa ni Tatay uminom pero wala na itong laman.
Lumabas ako ng aming tindahan at binigyan ng isang basong tubig para kay Tatay at isang basong tubig din para kay Nanay.
Umiyak si Nanay. Napaiyak na din ako sa di ko alam na dahilan.Tinanong ko si Nanay kung bakit siya umiiyak. Pero hindi sumagot si Nanay at nagpatuloy lamang sa pagluha kaya si Tatay na ang sumagot at ngumiti.
"Anak, sa tagal ba naman kasi naming nagpalaboy-laboy sa kalyeng ito, ngayon lamang na may isang kagaya mo ang nagkusang-loob na magbigay nang hindi kami humihinge. At kahit di ako nakakakita, alam kong bago ka dito. Salamat anak sa iyong kabutihan."
Napaluha naman ako doon sa sinabi ni Tatay. Kasi para sa akin, isang maliit na bagay lang yung nagawa ko pero big deal na para sa kanila yun.
Doon ko naisip na, kung kaya nating tumulong, bakit hindi natin gawin? Bakit tayo nandidiring umaboot kahit ni singko sa mga palaboy sa daan? Bakit?
Nasabi ko sa sarili ko, kung mayaman lang ako, tutulongan ko ang mga taong 'to dahil alam ko, may halaga sila.
7 comments:
Hindi mo siguro naisip bunso ang sabi ni Jesus sa Biblya ng kapag pinainom mo raw ang isang nauuhaw ay pina-inom mo na rin si Jesus. Isa kang angel sa lupa..
Wahhhh pati ako pinaiyak mo dito sa experience mo. You have a great and loving heart sistah, keep it up.
At dahil pinaiyak mo ko, follower mo na ako dito.
Napakagandang karanasan at napakaganda ng iyong kaloobon...nawa'y dumami ang katulad mo...:)
nakakaawa talaga pag matatanda na at ganun pa din ang estado nila sa buhay, meron tayong mga home for the aged lalo na at ganyan na may kapansanan si tatay, nasaan na kaya ang mga anak nila kung mayron man.. salamat sa pagtulong mo sa kanila, nakakagaan talaga ng loob kapag may natulungan ka na akala natin ay maliliit na bagay pero napakalaki na pala para sa tumanggap.
This is so touching a post! Thanks for sharing. When we give, we will always have something to give. God bless your kind soul!
I am bookmarking this post for my daughter to read the plain Tagalog. :)
it's really just a matter of common sense with a pint of humanity...
pag kaya tumulong then gawin mo, the next time ikaw naman mangangaylangan. im sure may tutulong din sayo.. :)
cheersfor sharing! :)
Aw, nakakaiyak! =( At first time kong makabasa ng post na puro Tagalog - ang gandang basahin! =)
Pero, higit sa lahat, mas napangiti ako sa kagandahang-loob na pinakita mo sa kapwa.. =) May God bless you!
Post a Comment