Namimiss ko na ang Maynila at pati na rin ang mga ingay at usok nito (weird, alam ko). Namimiss ko na ang mamuhay mag-isa. Namimiss ko na gawin ang mga bagay-bagay na gusto ko na di na kailangan pang magpaalam kaninuman. Sa madaling salita, nakakamiss maging independent at masolo ang buong bahay.
Don't take me wrong, mahal ko mga kapatid ko at ang tatay ko... pero alam mo yung sense of independence na hinahanap-hanap mo lalo pa't nasanay ka ng manirahang mag-isa.
Actually, kating-kati na akong makahanap ng bagong apartment sa Manila man, Cebu o Davao, at bumukod na ulit. Pero sa bandang huli naisip kong ipagpaliban na muna ang planong iyan dahil napagdesisyunan kong mag-aral na ulit sa kolehiyo.
Naisip ko kasi na mas makakatipid ako kung titira muna ako dito sa bahay kasama ang pamilya ko imbes na magrenta ng apartment. Yung ipangrerenta ko sa apartment ay mas maiging gamitin para sa tuition fee ko o di kaya ay ipangdadagdag sa ipon ko.
Kung ikaw ako, mas pipiliin mo bang bumukod habang nag-aaral o mas maiging manatili muna sa bahay kasama ang pamilya mo?
1 comment:
Hello! I actually admire you for being a very brave girl. Talagang dumayo ka dito sa Manila para makipagsapalaran. I believe in you! Hintayin mo muna ang right time bago ka ulit pumunta dito. Siguro, figure out things first kung paano ka ulit magsisimula. Discuss it with your fam too. You never know, baka may mga maganda sila na ma-suggest for you to be able to make a wise decision. ;)
Post a Comment