Tuwing nagkakapera ako, lagi kaming lumalabas ng pamilya ko noon para kumain at bili nang bili ng mga bagay na kung tutuusin ay hindi naman kailangan. Medyo lumaki din ulo ko noong time na yun. Di ko na naisip ano kahihinatnan bukas kapag wala na ang pera.
Bigay din ako ng bigay sa mga relatives ko kapag lumalapit sila sa akin, dahil alam nga nila na medyo nakakaluwag-luwag kami. Kaya bunot lang nang bunot, hanggang sa umabot nga sa punto na naging matumal yung income ko, naging tamad sa trabaho, at ang masama pa doon, wala ako naipon ni isang kusing. Lahat kasi ng kinikita ko dumadaan lang sa bank account ko. Pinakamatagal na siguro na naka stay yung pera sa ATM ko ng dalawang araw. Usually kasi, pag alam kong may pera na, kinukuha ko kaagad lahat. Kaya nong medyo nag lie low ako, nga-nga na!
![]() |
Image grabbed from lifehacker.com |