Monday, March 16, 2015

Ipon-ipon din pag may time

Napapansin ko lang kung gaano na ako kaiba mag-isip ngayon kumpara noong isang taon. Dati, pag nagka pera  waldas agad. Ngayon, pag dumating ang sahud, sampung porsyento ng kita ko inilalagay ko sa savings tapos yung natira pinaghahatian na sa mga bills, tuition, mga utang, pang araw-araw na gastos at iba pa.


Kung dati naituturing na matured na ako mag-isip, ramdam ko mas matured na ako mag-isip ngayon. Noon, puro happy-happy lang. Ngayon, iniisip na kung ano magiging kinabukasan.

Hindi madali maging matanda. Ang dami-daming iniisip, pero kaya pa naman. Ekstra kayod lang para maging maayos lahat.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...