Wednesday, February 25, 2015

Salamat Panginoon!

Medyo hindi naging maganda ang mga nakaraang araw ko, pero ngayon, kahit may kunting problema pa rin, nagpapasalamat ako sa Panginoon kasi tinupad Niya ang isa sa mga dasal ko.

Medyo nagkalamat kasi ang relasyon namin at ng mga kapatid ng Mama ko. Halos dalawang taon din na wala kaming kibuan, ni kahit sa Facebook man lang. Pero ngayon, pakiramdam ko, simula na ang pagbabalik ng dating magandang samahan naming lahat.

Ngayon lang kasi uli nag reach out sa akin ang mga nakababata kong mga pinsan. Ang sarap lang sa pakiramdam na marinig uli mula sa kanila na tinatawag nila akong 'ate'. Maliban kasi sa mga kapatid ko, sanay akong halos lahat tinatawag akong ate.

Litratong kuha noong 2013 habang nanonood ng pelikula ang mga pinsan ko.
Sana talaga tuloy-tuloy na. Alam ko lahat ng nangyayari ng may dahilan at nakaayon sa plano ng Diyos. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na balang araw magiging maayos at masaya ulit ang lahat, kagaya ng dati, at sana mas higit pa.

Salamat Panginoon sa bagong pag-asa at inspirasyon! :) 
Kakayanin anumang pagsubok! ♥

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...