Monday, September 1, 2014

Sa Paglipas ng Panahon

Ang bilis ng paglipas ng panahon. Parang kailan lang noong nagsimula akong ibahagi ang buhay ko sa mundo sa pamamagitan ng aking mga blogs. Ngayon, ay pang-limang taon ko na sa mundo ng blogging. Kinse anyos lamang ako ng magsimula akong magsulat ng mga kung anu-ano, ngayon ay bente anyos na ako.

Aaminin ko, may mga pagbabago akong napansin sa sarili ko sa nakalipas na limang taon ng buhay ko. Mga pagbabago sa mga paghahayag ko ng aking mga saloobin, sa aking ugali at sa aking point of view sa buhay. Dati-rati, talagang binabahagi ko lahat ng aking mga nararamdaman sa mga social media at kung anu-anong mapasok sa utak ko. Wala pa sa akin ang kahulugan ng privacy noon kaya share lang ng share ng mga kung anu-ano tungkol sa buhay ko.

Isa na sa mga pagbabagong napansin ko sa sarili ko ay ang aking timbang. Medyo tumaas ang timbang ko sa nakalipas na dalawang taon kasi nawalan ako ng control sa pagkain. Kung saan may pagkain, kumakain ako kasama mga pinsan at kaibigan ko. 

Sa ngayon, pinapahalagan ko na ang aking privacy kahit minsan, madaldal pa rin ako sa Facebook. Pero piling-pili na ang mga binabahagi ko at hindi na halos buong detalye ng kwento. Dati rin, napaka-emotera ko at magpa-hanggang ngayon, emotera pa din naman. Kaya lang hindi ko na sinisigaw sa buong mundo na ganito ang nararamdaman ko, ganyan.

Sa paglipas ng panahon, meron at meron tayong matututonan gustohin man natin o hindi. 

Ngayon ay sumasabay lamang ako sa agos ng buhay. Ninanamnam ang bawat segundong humihinga pa ako. Hinahangad ko na mas marami pa sana akong matutunan sa mga darating pang panahon.

No comments:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...